^

PM Sports

Gilas Women’s team pa-Jordan ngayon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lilipad ngayon patu­ngong Amman, Jordan ang Gilas Pilipinas Women’s team para sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup na lalarga sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 3.

Paglapag sa Jordan ay sasailalim pa sa mandatory three-day quarantine ang koponan bago umarangkada sa huling bahagi ng preparasyon nito kontra sa mga powerhouse clubs na Australia, China at Chinese Taipei sa Group B.

Halos isang buwan sumalang ang Gilas sa training bubble sa Summit Point Golf and Country Club sa Lipa, Batangas matapos ang halos dalawang taong pahinga mula noong 2019 Southeast Asian Games.

Sa Jordan ay mag­ka­karoon pa ng ilang araw na ensayo ang Nationals bago sumagupa kontra sa China, Australia at Chinese Taipei ng Group B sa Setyembre 27, 28 at 29, ayon sa pagkakasunod.

Nasa Group A ang reigning champion Japan, South Korea,  New Zealand at India.

Isang koponan lang kada grupo ang aabante sa knockout semifinals at ang segunda at tersera puwes­tong koponan ay magsasabong sa crossover duel patungo sa semis.

Ang kulelat kada grupo ay maglalaban sa classification match upang matukoy kung sino ang koponang mananatili sa elite Division A ng Asia Cup.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with