^

PM Sports

Magnolia, SMB quarterfinals na rin

Russell Cadayona - Pang-masa
Magnolia, SMB quarterfinals na rin

MANILA, Philippines — Pormal nang umabante ang Magnolia at San Miguel sa quarterfinal round matapos ang magkahiwalay na panalo kahapon sa 2021 PBA Philippine Cup.

Isinalpak ni Calvin Abueva ang isang buzzer-beating turnaround shot para igiya ang Hotshots sa 90-89 pagtakas sa NorthPort Batang Pier at pinulbos ng Beermen ang Phoenix Fuel Masters, 110-80, sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Ang game-winner ni Abueva ang umakay sa Magnolia sa quarterfinals taglay ang 7-3 record kasama ang TNT Tropang Giga, Meralco at San Miguel.

“That’s a designed play, a back screen for Calvin for an alley-hoop. kung wala, iyong option si Paul (Lee),” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero sa kanilang huling play para sa 6-foot-2 na si Abueva na tumapos na may 15 points, 5 rebounds, 4 assists at 4 steals habang humakot si Ian Sangalang ng game-high na 26 markers at 10 boards.

Nag-ambag si Lee ng 13 points kasunod ang tig-10 markers nina Mark Barroca at Rome Dela Rosa, ang gumawa ng inbound para sa game-winning basket ni Abueva.

Ito naman ang ikalawang sunod na kabiguan ng Batang Pier para sa kanilang 4-5 record.

Ang basket ni Kevin Ferrer ang naglagay sa NorthPort sa 89-88 sa hu-ling 3.9 segundo kasunod ang timeout ni Victolero sa natitirang 2.6 segundo para sa final play ng Magnolia.

Sa ikalawang laro, humataw si CJ Perez ng 24 points para sa ikaanim na panalo ng San Miguel, nakahugot kina six-time PBA MVP June Mar Fajardo at Arwind Santos ng 18 at 16 markers, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

MAGNOLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with