^

PM Sports

Gilas women’s pool makukumpleto na

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabubuo na ngayon ang puwersa ng Gilas Pilipinas women’s team sa pagdating ni US NCAA standout Ella Fajardo upang paigtingin ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na FIBA Women’s Asia Cup sa Amman, Jordan sa Setyembre 27-Oktubre 3.

Ngayong araw matatapos ang quarantine ni Fajardo buhat nang dumating mula sa Amerika at inaasahang makakasali na agad sa umaatikabong ensayo ng Nationals sa Summit Point Golf and Country Club sa Lipa, Batangas sa ilalim ng bubble set-up.

“Ella is coming out of quarantine to join us,” ani Gilas head coach at program director Pat Aquino kay Fajardo na pambato ng Fairleigh Dickinson University.

Sasamahan ni Fajardo ang iba pang Gilas 5-on-5 debutants na sina Camille Clarin, Karl Ann Pingol at Kristine Cayabyab na susi sa bronze medal ng Pinas noong 2019 FIBA 3x3 U18 Asia Cup.

Makakasama nila ang mga beteranong sina Afril Bernardino, Chack Cabinbin, Khate Castillo, Clare Castro, Ria Nabalan, Janine Pontejos, Mar Prado at Andrea Tongco na bumida sa gold medal win ng Gilas women’s noong 2019 Southeast Asian Games.

Kasama rin noon ang sentrong si Jack Animam subalit hindi makakalaro ngayon bunsod ng pro league stint niya sa Serbia.

Noong nakarang linggo pa pumasok sa bubble training ang Gilas at nagsasanay nang dalawang beses kada-araw upang maibalik ang kondisyon at chemistry matapos ang halos dalawang taong pahinga.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with