^

Pang Movies

Dingdong, buong linggo sa TV

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang suwerte naman ni Dingdong Dantes na lagi mong napapanood sa TV all week. Imagine mo na apat na programa ang ginagawa niya kaya naman talagang everyday nasa TV siya.

Palibhasa nga ay very professional at mahal niya ang trabaho kaya naman siguro siya lagi ang naiisip ng management.

At maganda ang mga rating ng show niya kaya jackpot. Kitang-kita mo ang sipag sa trabaho ni Dingdong kaya naman nandu’n din ang energy sa mga ginagawa niya.

Cris at Pinky, maraming natutulungan

Ang saya naman ng lunch natin with Cris Roque ng Kamiseta, Pat-P Daza at Leo Espinosa, Salve at Gorgy. Talagang tawanan tayo na inabot din ng mahabang oras dahil humabol pa si Bambbi Fuentes.

Ang saya dahil birthday ni Cris Roque at pinili niyang makasama tayo sa lunch.

Dahil siguro talagang bihirang nabibigyan ng oras ngayon ni Pinky Tobiano ang chikahan session natin nakalimutan natin na month of July rin ang birthday nito.

Naalala lang natin nang pag-usapan ang Home for the Aged na talagang number 1 na tinutulungan ni Pinky among the so many charities na kanyang ginagawa.

Both Cris Roque and Pinky ay mga lady of substance kaya naman napakalaking karangalan sa atin na friends natin sila. Happy birthday, Cris and Pinky, at sana more years dahil malaking tulong kayo sa maraming tao.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with