^

Pang Movies

Paolo, bongga ang ginawang tikbalang-inspired costume

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Paolo, bongga ang ginawang tikbalang-inspired costume
Paolo

Taob ang mga designer kay Paolo Balleste­ros nang ipasilip niya sa kanyang Instagram ang sketch ng national costume na isusuot ni Binibining Pilipinas candidate na si Graciella Lehmann.

Tikbalang-inspired ang costume ang design ni Paolo na kinabiliban ng marami pati ang celebs na sina Maja Salvador, Eula Valdez at Maureen Wroblewitz!

Nagti-train na ng potential beauty queens si Paolo and this time, tiyak na aagaw ng atensiyon ang costume niya para kay Graciella.

Ang ilan pang inaabangang kandidata sa Bini­bining Pilipinas grand coronation sa July 31 ay sina Herlene “Hipon Girl” Budol at Kapuso artist na si Lala Vinzon, anak ng aktor na si Roi Vinzon.

Ina, nang-aagaw ng eksena

Agaw-eksena ang dating sexy actress na si Ina Raymundo kapag pumasok na ang character niya sa Kapuso primetime series na Bolera.

Siyempre pa, kinasasabikan ng manonood na makita kung ano ang hitsura ngayon ni Ina na nakagawa rin ng pangalan sa movies sa kapanahunan niya.

Si White Lotus ng character ni Ina na maglalaro rin ng billiard. Sarap pagsabungin nina Ina at baguhang si Klea Pineda na agaw-eksena sa pangmamaliit sa bidang si Kyline Padilla.

Bongga ‘yung eksena ni Kyline nang suntukin at mapahiga sa billiard table ni Klea, huh!

Teka, parang ang laking bulas na babae ni Klea na parang pasok maging beauty queen, huh!

vuukle comment

PAOLO BALLESTE­ROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with