^

Pang Movies

Anak ni Ka Tunying, cancer-free na   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Anak ni Ka Tunying, cancer-free na                
Zoey

Cancer-free na ang anak ni Anthony Taberna na si Zoey. Ito ang magandang balitang inanunsyo ng nasabing batikang broadcaster sa kanyang Facebook page.

Narito na nga sa bansa si Ka Tunying at ang kanyang pamilya matapos sumailalim sa bone marrow transplant si Zoey sa Singapore. Five and a half months din silang nanatili sa nasabing bansa.

Sa kanyang post ay abut-abot ang pasasalamat ni Ka Tunying unang-una na nga sa Panginoon. Pinasalamatan din niya ang lahat ng tumulong sa paggaling ng anak unang-una na nga ay kay Zoey dahil patuloy itong nakipaglaban at hindi sumuko.

Sa kanyang post ay naikuwento nga niya na ang hirap na dinaanan nila na umabot pa sa puntong nag-agaw-buhay si Zoey sa Singapore.

“Nandito na kami sa ating bayan – pagkalipas ng lima’t kalahating buwan doon sa Singapore hindi para magbakasyon kundi upang humarap sa isang matinding hamon kung saan nag-agaw buhay ang aming panganay na si Zoey.

“Totoo ‘yun, akala ko ay hanggang doon na lamang talaga. Ganun din pala mismo ang nasa isip ng bata.

“Pero sa pinakamahirap at pinakamasakit na bahagi, doon ko nakita at nadama kung paano gumalaw ang kamay ng Panginoong Diyos. Sa Kaniya kami nagtiwala. Sa Kaniya kami nanghawak. Walang tigil na panalangin gaya ng bilin ng Ka Eduardo Manalo. At gumawa Siya ng himala. Magaling na si Zoey, kasama namin siya na umuwi. Malakas at buhay na buhay ang pag-asa,” ang pagbabalita ni Ka Tunying.

Sa kanyang mahabang Facebook post ay ibinahagi rin ni Zoey ang kanyang journey sa pakikipaglaban sa leukemia.

“And the day i’ve been waiting for came! after 167 long days, we went back home to the philippines. and now i am totally cancer free! i would still have check ups and maintainance drug infusions from time to time, but that is nothing compared to what i’ve been through. i couldn’t have done all of this without the help, support and love of everyone special to me and most of all, God. i never forget to thank Him everyday for healing me and for giving me a chance to live a longer life. thank you also to everyone who prayed and showed their support for me all throughout everything. i guess it’s safe to say that that’s the end of my cancer journey. thank you so much,” ang bahagi ng post ni Zoey.

vuukle comment

ANTHONY TABERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with