^

Pang Movies

Ina, nililibang ang sarili sa pag-alis ng Unico Hijo   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ina, nililibang ang sarili sa pag-alis ng Unico Hijo                
Ina at Jakob

Happy and thankful ang actress na si Ina Raymundo na may special participation siya sa top-rating GMA Network sport serye na Bolera.

She will play the role of White Lotus na ka-join niya sa isang billiards tournament sina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

Ang paggi-guest ni Ina sa mga GMA shows ay panglibang niya sa sarili dahil aalis ang only son nilang si Jakob ng husband niyang si Brian Poturnak, to play Division 1 baseball at Xavier University in the US, after graduating at the International School Manila.

Bukod kay Jakob, may four daughters pa si Ina, sina Erika, Anika, Mikaela and Minka.

FF, tatanggap na ng Live Audience!

Magandang balita sa viewers ng number one game show sa GMA 7, Family Feud, hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil binuksan na ng studio ang doors nila to a Live Audience.

Marami na palang nagri-request na sana ibalik na ng network ang live audience nila sa studio kung saang ginaganap ang show.

Walang gagawin ang mga gustong manood sa studio, kundi mag-register lamang sila today, simula ng 12:00 midnight hanggang 5;00 p.m., para mapanood na ninyo nang live ang Family Feud ngayong July 8. Open ang registration until 5 p.m.

Go to www.gmanetwork.com/FamilyFeudAudience.

Kate at Kelvin, bibida sa serye

May bago nang leading man si Sparkada Kate Valdez, sa katauhan ni Kelvin Miranda.

Sila ang bibida sa Unica Hija. Looking forward  si Kelvin na bago ang katambal niya, after nilang gawin ni Mikee Quintos ang Lost Recipe at Beauty Gonzalez sa Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

Thankful si Kate na after ng successful drama series niyang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday with Barbie Forteza, siya ang napili sa upcoming afternoon drama series na gaganap siya sa title role.

Na-excite raw siya nang malaman niya kung sinu-sino ang makakasama niya sa serye. Gaganap namang kontrabida ni Kate si Faith Da Silva.

Makakasama rin ni Kate ang mga StarStruck one alumni na sina Katrina Halili at Mark Herras. 

 Sa bagong project ni Katrina, iiwan muna niya ang El Nido, kung saan siya nakatira at may business doon after ng Prima Donnas. Iiwan din niya roon ang anak na si Katie dahil lock-in taping ang Unica Hija.

Si Mark naman ay abala ngayon sa pagpapagawa ng bagong bahay nila ng wife na si Nicole Donesa at iiwanan din niya sila ni Corky sa lock-in taping. 

vuukle comment

INA RAYMUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with