^

Pang Movies

Kylie, thrilled na bagong head of empowerment sa Miss U Bahrain  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kylie, thrilled na bagong head of empowerment sa Miss U Bahrain           
Kylie

Opisyal na na­ging miyembro ng council ng Miss Universe Bahrain si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Pinakilala na si Kylie bilang head of empowerment ng naturang organization kung saan ang creative director ay ang Filipino designer na si Furne One of Amato Couture.

Ang president and national director ng Miss Universe Bahrain ay si Josh Yugen, a Dubai-based Filipino magazine publisher.

“Graced with the power of wisdom, cocooned with the [armor] of compassion and blossoming with the love for the extraordinary — the Official Miss Universe Bahrain Council is the paragon of an undeniable force to reckon with,” ayon sa statement ng Miss Universe Bahrain.

Post ni Kylie sa kanyang Instagram: “Hello Universe! So thrilled and honored to be part of Miss Universe Bahrain’s official council as head of empowerment for this year’s pageant. See you soon!”

Isang beses pa lang nag-compete ang Bahrain sa Miss Universe 2021 at ito ay si Manar Nadeem Deyani.

Noong 2012 ang unang beses na sasali dapat ang Bahrain sa Miss Universe, pero nag-withdraw si Shaila Sabt for personal reasons. Walang pinadalang kandidata ang Bahrain sa Miss Universe for eight years.

Tumatanggap na ng applications ngayong buwan ang Miss Universe Bahrain.

Benjie, suko na sa mga pangarap kay Andre

Wala na raw masyadong expectations si Benjie Paras sa kanyang anak na si Andre Paras. Kung nais pa raw nitong tapusin ang kanyang college degree habang nagtatrabaho ito sa showbiz, nasa desisyon na raw ito ng kanyang anak.

Nagkuwento si Benjie na noong bata pa raw si Andre, marami raw siyang naging pangarap para sa kanyang panganay na hindi niya naabot noon. “Kasi noong nakita kong lumalaki si Andre, nag-aaral, dinadala ko sa school, tinuturuan ko, lagi kong wini-wish na maging first honor student siya.

“So mula noon, noong nakita ko siyang nag-aral, ‘yung mga nagiging resulta... tinigil ko na ‘yung wish ko, dahil walang mangyayari. Wala, wala talaga, eh!,” sabay tawa pa niya.

Kaya tinanggap na lang daw ni Benjie na susunod ito sa kanya bilang isang basketball player. Hindi nagtagal ay pinasok na rin nito ang pagiging artista. “’Yun na nga eh. So ‘yung maka-graduate si Andre na maging doktor, architect, wala na. Tinanggap ko na lang na ito ang direksyon niya. Pero sinabi ko sa kanya na very important ang pag-aaral.

“Kaya nga noong nagka-offer siya sa GMA na mag-artista, pinatigil ko siya sa pag-aaral. Sayang ‘yung kikitain eh!,” tawa pa ulit ni Benjie.

Kelan lang ay nagretiro na sa paglaro sa Philippine Basketball Association (PBA) si Andre para muling bumalik sa showbiz. Kasama na siya sa cast ng upcoming teleserye na Aboy Kamay Na Pangarap.

Ayon kay Benjie, naging masyado raw maaga ang ginawang pagretiro ni Andre sa paglaro ng basketball. Pero kung wala na raw ang passion ng kanyang anak sa naturang sport, baka ang showbiz daw talaga ang gusto nitong gawin at nirerespeto niya ang desisyon ng kanyang anak.

Selena: ‘getting older is weird’

Mag-turn 30 na pala ang former Disney child star na si Selena Gomez sa July 22. Thankful ang singer-actress na naging maganda ang takbo ng kanyang buhay at career kahit na marami siyang pinagdaanan tulad ng kanyang personal na pakikipag­relasyon at ang buwis-buhay na kalusugan niya. Wala na raw siyang mahihiling pa. “I have no idea what to expect. Getting older is weird, but I love it. And I’m finding out new things about myself. It’s honestly... I enjoy getting older. Here’s to 30,” sey pa ni Gomez.

Kasalukuyang pino-promote ni Selena ang bagong season ng Hulu murder-mystery comedy series na Only Murders In The Building kunsaan co-stars niya sina Steve Martin at Martin Short.

Happy si Selena na nakasama siya sa isang well-written series na tungkol sa trio ng amateur investigators na pilit maka-solve ng crime pero hindi maiwasan ang mga kapalpakan.

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with