^

Pang Movies

Maine, 7 years na agad sa showbiz

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Maine, 7 years na agad sa showbiz
Maine

Twitter baby pa rin si Maine Mendoza. Eh nitong nakaraang mga araw, trending muli ang #MaineMendoza at ‘yon ang naging paraan ng fans upang batiin siya sa kanyang 7th anniversary sa showbiz!

Nag-audition lang si Maine sa Eat Bulaga. Pinakilala bilang Yaya Dub at nang maka-loveteam si Alden Ri­chards, giba ang lahat ng fandoms sa kanila!

Eksaktong 12mn nang bumaha ang twitter ng pagbati kay Meng.

Bilang ganti, tweet ng pasasalamat ni Maine, “Before the days ends, I just want to say thank you to everyone who greeted and remembered.

“Maliit na bagay man sa iba pero malaking bagay sa akin – kaya maraming salamat sayo. Maraming salamat sainyo.”

Kahit bihira nang magsama sa projects, buhay na buhay pa rin ang AlDub Nation hanggang ngayon!

Miles, todo ang kaligayahan

Prepared na prepared sa araw-araw na Knock Knock joke si Miles Ocampo sa Eat Bulaga. Eh dahil may episodes na wala sa noontime show si Maja Salvador, napupunuan ni Miles ang absence ng manager niya sa show.

Nakatikim si Miles sa alagang Eat Bulaga nang nasama siya sa anniversary show ng programa sa Zamboanga del Norte.

Hindi naitago ni Miles ang kaligayahan niya sa nakaraan niyang tweet. Bahagi ng tweet ni Miles, “Maraming salamat @EatBulaga family. Thank you very much for allowing me to experience many firsts in my career. Gagalingan ko po sa mga jokes ko LABYU Dabarkads!!!”

Malaking tulong kay Miles ang pagiging bahagi ng Goin Bulilit gag show kaya nahasa ang pagpapatawa niya!

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with