^

Pang Movies

Magkita-kita kaya? Gerald/Julia at Bea/Dominic, parang nag-usap sa kanilang bakasyon sa Thailand!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Magkita-kita kaya? Gerald/Julia at Bea/Dominic, parang nag-usap sa kanilang bakasyon sa Thailand!
Bea at Dominic

Uy nasa bakasyon ngayon sina Gerald Anderson/Julia Barretto and Bea Alonzo/Dominic Roque.

Sa Thailand.

Naunang nag-post si Julia ng pamamasyal nila ni Gerald sa river market - Market in Mae Klong, Thailand.

Sina Bea at Dominique naman ay kakarating lang sa Thailand.

Well, maluwag ang Thailand, pero imagine pare-pareho silang nasa iisang bansa.

Sa rami nang ibang araw at lugar, nagkasabay pa talaga ang bakasyon nila.

Recently lang ay sinabi ni Bea na sa lahat ng ex niya, si Gerald ang hindi niya kayang makatrabaho ulit.

Sa vlog ni Barbie Forteza ay diretsong sinagot ng aktres na, “depende kung sinong ex. Kay Zanjoe, willing akong makipag-ano.”

Siyempre ang tinutukoy ni Bea ay si Zanjoe Marudo na nakarelasyon niya bago si Gerald.

“Depende sa ex. Isa lang naman ‘yung ayoko, eh.”

Ayon kay Bea, hindi raw kasi ugly breakup ang nangyari sa kanila ni Zanjoe at hanggang ngayon ay nananatili silang magkaibigan kaya’t ok sa kanya.

“It would be disrespectful to our partners if we ended it badly.

“Iba kapag may betrayal na factor,” na ang tinutukoy ay ang ‘ghosting’ ni Gerald.

Pokwang naloka, Ella biglang naging hot item sa ‘chismis’

Gustong ibalik sa dagat ni Pokwang ang ‘anak’ na si Ella Cruz.

Ito ay dahil pa rin sa sinabi ni Ella na ang history ay para lang chismis.

Tweet ni Pokwang kahapon : “nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana.”

Gumanap silang mag-ina sa Kapamilya teleserye na Aryana.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with