^

Pang Movies

Piolo, tanggap na showbiz ang buhay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nabasa ko sa column mo Salve sa PSN at PM na dumaan sa midlife crisis noon si Piolo Pascual kaya naisipan niyang sabihin na gusto na niyang mag-retire sa showbiz.

Kasi nga kadalasan, pag matagal mong ginagawa ang isang bagay parang nawawala na rin ang motivation mo rito.

Saka siguro kung minsan meron din frustrations si Piolo pag hindi niya nagagawa ang isang project na gusto niya.

Alam mo naman basta artist ka, may mga bagay na gusto ng taste mo pero hindi naman iyon ang binibigay sa iyo.

Mabuti nga at ngayon gusto na naman ni Piolo na maging busy sa showbiz. At natanggap niya na ito talaga ang propesyon para sa kanya.

So bigyan pa ng more project si Piolo.

Imelda, headliner pa rin

Talagang hindi pa rin tapos ang era ni Imelda Marcos.

Tignan mo at hanggang ngayon nasa news pa rin siya sa edad na 93.

Kaya nga, big inspiration siya sa marami. Para bang iisipin mo, si Imelda Marcos, 93 na, pero nakakatayo pa nang matagal, nakakaakyat pa sa stage, at hanggang ngayon sharp pa rin ang attention.

Bongga ha.

Samantalang ako sa edad na 75, parang mahina na ako, pero si Imelda 93 energetic pa?

Iba siguro ang ginawang alaga sa katawan niya, at siguro nga talagang naging maingat siya sa health kaya maganda pa rin ang physical energy niya.

Bongga talaga na agawan sa headline ang mga balita tungkol kay BBM at Imelda.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with