^

Pang Movies

Solenn, buntis na ulit

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Solenn, buntis na ulit
Solenn Huessaff

Malugod na ibinalita ng mag-asawang Solenn Huessaff at Nico Bolzico na magkakaroon na ng kapatid ang kanilang panganay na si Thylane Katana (2 years and seven months). Buntis ngayon ang Filipino-French Kapuso singer-actress at host na si Soleen.

Sa January 1, 2023 ay magta-tatlong taong gulang na si Thylane at March 2 naman ang kanyang first cousin na si Dahlia Amelie, ang unang baby ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Sundan na rin kaya nina Anne at Erwan si Dahlia?

Ex-PBB housemate na si Jamila, tanggap ng anak ang pagiging hubadera

Hindi kaila sa lahat na may anak na ang ex-PBB teen housemate na si Jamila Obispo nang ito’y pumasok sa Bahay ni Kuya in 2006 kasabay nina Kim Chiu at Gerald Anderson. 

At 35 turning 36 on July 24, 17 years old na ang anak na lalake ng Viva sexy star na naiintindihan umano ang kanyang trabaho kahit nagpapa-seksi siya sa pelikula.

Being a single mom, mag-isang iginagapang ni Jamila ang anak na umaming maraming beses umano siyang nag-attempt na mag-quit sa showbiz sa kawalan ng proyekto hanggang mapunta siya sa Viva at doon naging sunud-sunod ang kanyang trabaho dahil sa Vivamax streaming app.

Si Jamila ang bida sa upcoming Vivamax release on July 31, ang Huwag Mong Kunin ang Akin na pinamahalaan ni Mac Alejandre kung saan din tampok sina Felix Rocco, Ahron Villafor, Angelica Cervantes at iba pa. 

Coco, pinakamataas pa rin ang TF

Malaki pa rin ang panghihinayang ni Coco Martin na hindi man lamang niya personal na nakilala ang kanyang idolo, ang yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. pero buong karangalan naman niyang nakatrabaho ang misis nito, ang namayapa na ring movie queen na si Susan Roces.

Kahit hindi nag-abot at nagkakilala sina Coco at si FPJ, patuloy ang pagpupugay ni Coco sa kanyang idolo sa pamamagitan ng tumatakbong hit action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na magsi-seven years na sa darating na September, making it the longest-running TV series sa lokal na telebisyon. 

Ginawa na rin niya ang isa sa mga classic films ni FPJ, ang Ang Panday.

Kung hindi kami nagkakamali, si Coco ang highest paid actor in the Philippines sa kasalukuyan dahil bukod sa kanyang pagiging bida ng Ang Probinsyano ay siya rin ang tumatayong creative head at isa sa mga director ng serye.

vuukle comment

SOLENN HUESSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with