^

Pang Movies

Piolo, umaming nakaranas ng midlife crisis kaya plinano noong mag-retire

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Piolo, umaming nakaranas ng midlife crisis kaya plinano noong mag-retire
Piolo

Ayaw na ulit magsabi ni Piolo Pascual na magre-retire na siya o iiwan ang showbiz.

Pahayag ni Piolo, kahit financially stable na siya, showbiz aniya ang passion niya.

“Sinabi ko kay Direk Cathy (Garcia-Molina) na “Direk, ‘wag na tayong magsasabi ng retirement kasi parang hindi naman din natutuloy,’” na ang tinutukoy niya ay nang idirek siya ni Direk Cathy sa My Papa Pi with Pia Wurtzbach na nagkaroon ng finale season two weeks ago.

Tulad niya kasi ay nagsalita rin si Direk Cathy na magre-retire na siya sa showbiz at titira sa ibang bansa.

Eh si Papa Pi ilang beses na ring sinabi na magre-retire na siya pero hindi naman nangyayari.

“For me, this is my passion. I love what I do, and being in this business gives me meaning,” paliwanag ng aktor nang tanungin namin tungkol dito sa #SunLifePartnerforLife media event last Saturday.

Dagdag pa niya : “I guess being immature when… feeling burned-out back then, they call midlife crisis because you are too loaded up with work. At this point in my life, I just want to continue doing what I’m doing and this is something that I really appreciate to being in this business, being in front of you, guys, sharing my life.

“So just the same thing, it’s not on the horizon for me retiring at all as long as I feel I’m needed in this business when there’s something that I can completely then I can stay on,” sabi pa ng mahusay na aktor na isa nasa masasabing pinaka-wise pagdating sa paghawak ng pera na bukod sa mga insurance policies niya, marami siyang investment sa real estate na ayon kay Piolo ay itinuro sa kanya ni former Representative Vilma Santos.

Lolong, trending topic sa Twitter

Ngayong gabi na mapapanood ang dambuhalang adventure-serye na Lolong na nitong Huwebes nga, nag-trend na agad sa Twitter ang #LolongDaks.

Nakakuha ng libu-libong tweets ang nasabing hashtag at nagsulputan pa ang memes mula sa official poster ng Lolong kung saan nakatayo si Ruru Madrid sa dambuhalang buwaya na si Dakila na parang nagsu-surf lang.

Hindi naman nagpahuli ang malilikot na isip ng netizens at kanya-kanyang edit sa larawan na ito. Pati nga si Lolong co-star Shaira Diaz, nakisali rin sa paggawa ng meme!

Huwag palampasin ang world premiere ng Lolong sa Lunes, July 4, sa GMA Telebabad.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with