^

Pang Movies

Sanya, ‘di pinababayaan ng Kapuso

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Isa pang maganda na role raw ang ibinibigay kay Sanya Lopez pagkatapos ng First Lady na ang kasama niya si Gabby Concepcion.

Talagang build-up ang career niya dahil sa magagandang roles.

Mabait at very professional si Sanya kaya naman talagang hindi nasasayang ang lahat ng breaks para sa kanyang career.

Very thankful tiyak siya sa management na ang laki ng tiwala sa kakayahan niya.

Ruru, bongga ang break 

Ang galing ng ginawang promo ng Lolong. Talagang ipinarada nila ang ginamit na buwaya sa buong NCR para maging aware ang lahat sa kanilang teleserye na mag-uumpisa nang mapanood ngayong gabi.

Bongga dahil talagang pati ang teaser nito sa TV bugbog kaya naman inabangan talaga ng lahat ang paglabas nito sa GMA 7.

Mabigat ang suporta dito ni Ruru Madrid na sina Christopher de Leon at Jean Garcia. Talagang inalagaan nang husto ang binigay na break para kay Ruru Madrid

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with