^

Pang Movies

Heart at Song Hye-Kyo, tinupad ang wish ng fans

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart at Song Hye-Kyo, tinupad ang wish ng fans
Heart at Song Hye-kyo

Natupad ang wish ng fans ni Heart Evangelista na mag-picture sila ng Korean actress na si Song Hye-kyo habang pareho silang nasa Paris para sa isang fashion event.

Malapit nang mag-500,000 ang likes sa post ni Heart ng larawan nila ni Song Hye-kyo at marami ang nagre-request na mag-post pa siya ng ibang pictures nila :“With the lovely @kyo1122. It was such a pleasure attending @chaumetofficial’s gala this evening. Their newest nature-inspired collection was beyond beautiful, and every piece that came with it was indeed a work of art. Remarkable is an understatement,” caption ito ni Heart sa larawan nila ng Korean actress.

Naalala ng fans ni Heart na pareho silang gumanap na Jessie sa Full House, sa original version si Song Hye-kyo si Jessie at sa Philippine adaptation na ginawa ng GMA 7, si Heart ang gumanap na Jessie.

Ella, nagpapakontrobersyal!

“Greatest Filipino Historians” ang itinawag ni Ella Cruz kina Lolit Solis, Xian Gaza at Cristy Fermin at kung susundan ang meaning ng “history” kay Ella na sinabing parang tsismis ang history, ibig sabihin, mga tsismosa ang tatlo.

Gusto naming marinig ang sagot nina Lolit, Xian at Cristy sa pahayag na ito ni Ella.

Hindi masagot ng followers ni Lolit at Cristy si Ella, hindi rin ma-bash ng netizens na kumontra sa kanyang sinabi tungkol sa history dahil naka-off ang comment box ng kanyang Instagram.

In fairness, June 14, ang last post ni Ella sa IG at naka-off na ang kanyang comment box. Masaya sanang basahin ang comment ng kanyang fans at fans nina Lolit at Cristy.

Sobrang naba-bash si Ella dahil sa kanyang pahayag, kaya ipinagtanggol siya ni Darryl Yap, ang director ng Maid in Malacañang na kung saan, gumaganap si Ella sa role ni Irene Marcos.

Sabi ni direk Darryl, “Nakita mo naman Ella Cruz; basta’t may pwede silang sakyang isyu, kahit wala namang masamang kahulugan, gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya para i-misinterpret ka at palakihin para mahawa ng relevance.”

Boyet, hindi rin nagpa-double

May action scenes si Christopher de Leon sa Lolong at hindi siya nagpahuli kay Ruru Madrid dahil si Christopher din mismo ang gumawa ng kanyang stunts.

Pati nga ‘yung eksenang hinahabol siya ng buwayang si Dakila, si Christopher din ang gumawa. Challenge raw sa kanya ang gawin ang sariling stunts at walang double. “I know the techniques already since I’ve been in the business for so long. It’s the art of falling and all that. The fight scenes, I have to be on par with Ruru and the rest of the gang. ‘Pag sinabi ni direk, when the captain says do this, I do that. It’s part of my job. I like the discipline of the stance, the movements. It’s part of being an actor. You have to train for it,” sabi pa ng batikang aktor.

Ang pinaka-enjoy na eksena para sa kanya ay ‘yung aatakihin siya nito at kakainin. Bukod sa pagtakbo, sigaw siya nang sigaw sa eksena. Para raw siyang bata habang kinukunan ang eksena na tumagal ng isang araw.

Ginagampanan ni Christopher sa Lolong ang role ni Armando Banzon, isang powerful politician na nasa likod sa muntik na pagkawala ng mga buwaya. Kung tigasin siya sa labas, sa bahay, under de saya siya ng asawa niyang ginagampanan ni Jean Garcia.

This Monday na, 8 p.m., ang world premiere ng Lolong.

Kylie, pasok sa council ng Miss U Bahrain

Sa Instagram account ng Miss Universe Bahrain, in-announce na kasama si Kylie Verzosa sa council na pipili sa susunod na Miss Universe Bahrain. Si Kylie raw ang head of empowerment. Member din ng council sina Josh Yugen at Furne Amato na kung ‘di kami nagkakamali, parehong Filipino.

Ibig sabihin, bilib ang mga nasa likod ng Miss Universe Bahrain Organization sa mga Filipino para kunin sina Kylie, Josh at Furne.

Speaking of Kylie, hindi na nababanggit ng kanyang followers at bumibisita sa kanyang Instagram ang ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca. Tila sumabay ang fans kina Kylie at Jake na makapag-move on sa nagtapos na relasyon ng dalawa.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with