^

Pang Movies

Nora hinihingal, sinakay sa wheelchair nang dumalo sa tribute ng bagong national artists

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Nakaramdam daw ng konting pagkaawa ang ibang Noranians nang makita nila ang Superstar na si Nora Aunor na pumunta sa Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa ibinigay na tribute sa mga nanalong National Artists.

Kasama sa walong pinarangalan ang original superstar.

 Ayon sa mga sumaksi sa CCP, huling pinagkalooban ng pagkilala si Ate Guy kung saan malakas na palakpakan ang pinagkaloob sa kanya.

Pero ramdam daw ng mga andun na hirap ito sa kanyang speech at diumano’y parang hinahabol ang hininga nito at hinahapo.

Kaya’t pagkatapos daw ng speech, isinakay na ang superstar sa wheelchair at hindi na ito nagpa-interview sa mga andu’ng press.

Bahagi ng speech ni Ate Guy :“Nitong mga nakaraang araw, sinubok po muli ako ng isang karamdaman. At kaya hindi po ako nakadalo sa Malacañang ngunit nagiging malakas po ang pakiramdam ko dahil sa mga dasal Ninyo.”

Mariel at Toni, nagkasama na sa ‘finish line!’

Everybody loves a winner.

Kaya naman, ang mga dating mga nang-iimbyerna kay Toni Gonzaga at pinipintasan ang kanyang boses, kahapon ay pulos papuri ang natanggap ng misis ni Direk Paul Soriano sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa panunumpa ni bagong Pangu­long Ferdinand Marcos Jr. na ginanap sa National Museum.

Pretty in white Filipiniana si Toni at sinimplehan ang ayos kaya naman sakto sa naganap na makasaysayang panunumpa ni Pres. Marcos na umupong ika-17th pangulo ng Pilipinas.

Binantayan na ang bawat galaw ng da­ting Kapamilya actress / host umpisa nang manalo si Pres. Marcos na hindi talaga nagpaapekto sa bashers na umatake sa kanya noong panahon ng kampanya.

Kaya naman trending ang Lupang Hinirang kahapon.

Kinagabihan kahapon ay magkasama na sila ni Mariel Rodriguez at ang caption ni Mariel “Tayo parin sa finish line @celestinegonzaga.”

Pinusuan ito ni Bianca Gonzalez ng tatlo na nasa grupo ng Kakampink noong nakaraang eleksyon. Kaya’t may ilang nagtaray na followers at nag-comment ng ‘Hu u.?’

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with