Sharon at Robin, bubuhayin ang industriya ng pelikula?!
Ang ganda naman ng balita kung matutuloy ‘yung pagsasama sa isang project nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Malaking production iyon at talagang kailangan ang magandang exposure dahil nga bihirang mangyari ang isang project na tulad nito.
Bongga talaga kung matutuloy lalo ngayon dahil nga sa kalagayan ng industriya. Magiging malaking booster ito ‘pag nagkataon dahil tiyak naman siguro na magiging successful dahil Sharon at Robin.
Richard, pinakita ang dedikasyon sa pagiging pulitiko
Nakausap ko sa phone si Richard Gomez. Galing sa Ormoc sila Gorgy Rula, invited sila nina Richard at Lucy Torres kaya tuwang-tuwa silang makita ‘yung mga achievement ni Richard as Mayor of Ormoc at ngayon ay Congressman na.
Tiyak na hanggang Senate makakarating si Richard dahil sa ipinakita niyang dedication sa trabaho bilang pulitiko.
Talagang kahit ano pasukin ni Richard very passionate siya, acting, sports, ngayon ay politics.
Kung buhay ang manager niyang si Douglas Quijano tiyak na very proud siya para kay Richard, isang malaking karangalan ng showbiz dahil ipinakita na kahit saan puwedeng mag-excel ang isang artista.
- Latest