^

Pang Movies

Kobe at Erika, maganda ang combination

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kobe at Erika, maganda ang combination
Kobe at Erika

Ang bilis talaga ng panahon, Salve. Tuwing mababasa ko sa column mo sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa ‘yung lovelife ni Kobe Paras lagi kong naaalala ‘yung small cute boy na kasama ni Benjie Paras sa taping niya noon.

Bata pa si Kobe, cute na cute na siya tulad ng kuya na si Andre na nasa showbiz na rin ngayon matapos iwan muna ang paglalaro ng basketball. Para bang noong mga panahon na iyon hindi mo naiisip na makikita mong may mga kasamang GF ang little boys na ito.

Pero now, hayan at balita nang GF niya ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae. Talagang in a whiff hayan, ang boys will grow up and be a man, old enough to have their own family.

Bongga, magandang combination. Kobe at Erika Rae, sana matuloy sa altar para sa another generation of stars. 

Bea, ‘di maingat sa power tripping

‘Tawa naman ako sa mga lumabas na items ni Bea Alonzo. Meron doon na sinabi niya na never na siyang sasama sa isang project na nandu’n si Gerald Anderson.

Wow! Strong words. Tandaan ni Bea na ang nang-iwan sa kanya si Gerald Anderson, hindi siya. So huwag palabasin na parang ang may choice si Bea, si Gerald ang nasa upper hand dito dahil siya ang nang-iwan, hindi siya iniwan, dahil ang na-ghosting si Bea.

Ok, kung gusto ni Bea mag-power tripping, mamili ng partner, fine, go. Pero tandaan niya hindi siya ganun kasikat, marketable para siya ang masunod sa cas­ting.

Baka dahil sa power tripping niya, siya pa ang palitan, maraming mas malaking stars sa kanya na mas malakas ang hatak sa manonood, mas bata, mas maganda at mas professional. Kaya huwag maarte na nagsasabi na hindi ko type kasama si ganito o ganyan, dahil tingnan muna ang level bago mag-demand. Huwag over sa power tripping, baka mapahiya lang.

vuukle comment

KOBE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with