^

Pang Movies

Angel at asawang si Neil, gusto na ring tumira sa Spain?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Angel at asawang si Neil, gusto na ring tumira sa Spain?!

‘Not true’ ang reply ni Ms. Pat-P Daza ng Brightlight Productions na hanggang end of the month na lang ang Lunch Out Loud sa TV5 dahil ang kumakalat, beginning July ay ang It’s Showtime na raw ang mapapanood sa timeslot nito.

Nabanggit kasi ni Mr. Fu kahapon sa programa nila ni Nay Lolit Solis,  Take It! Take It! Me Ganon?! (TITIMG), may nagparating daw sa kanyang netizen na baka raw ‘di na ipalabas ang guesting niya (Mr. Fu) sa LOL sa Maritest segment kung saan nagwagi siya ng P50,000 (may special participation ako bilang ‘call a friend.’ Hahahaha.)

Pero ayon kay Ms. Pat, marami lang silang nakapilang episode kaya’t hindi agad napapalabas ang ibang na-tape na.

Samantala, nagpaplano na rin daw bumili ng property sa Spain ang mag-asawang Angel Locsin and Neil Arce.

Ayon sa source ng TITIMG, kasalukuyang nasa Spain ang mag-asawa at may posibilidad na tulad ni Bea Alonzo ay bumili rin sila ng ari-arian sa naturang bansa para makakuha ng residence visa.

BFF sina Angel at Bea.

Pero malaking consideration din diumano sa plano ng mag-asawa ang pagkatalo ni outgoing Vice President Leni Robredo.

Naging all out si Angel sa kampanya ni VP sa pagka-presidente.

Pinag-usapan din kahapon sa TITIMG kung totoo ang chika na diumano’y ‘di totoong may gagawing pelikula sa GMA Films si John Lloyd Cruz.

Masyado raw choosy ang actor na sa rami raw kasi ng pini-pitch sa kampo nito, wala itong mapiling script.

Though kabaliktaran ito sa ipinost ni Ms. Annette Gozon-Valdes na may naganap sa kanilang productive meeting with the management group of John Lloyd.

Kaya wait natin ang official announcement ng GMA.

Samantala, sandali ring pinag-usapan sa episode kahapon ang tungkol kay Toni Gonzaga na aawit ng Lupang Hinirang sa panunumpa ni President Bongbong Marcos na magaganap bukas sa harap ng National Museum.

Abala na nga raw si Toni sa rehearsal na kakanta kasama ang live band.

Si Cris Villonco naman ang kakanta ng inaugural song na Pilipinas Kong Mahal.

Pero mas marami ang naghihintay sa mga fashion statement ng mga dadalo na ang iba pala ay hanggang sa National Museum lang kung saan magaganap ang panunumpa ng bagong pangulo at hindi na kasama sa inaugural reception sa Malacañang dahil ‘di raw lahat ay maa-accommodate kasi mas priority ang dignitaries.

Anyway, ‘yan at marami pang iba ang pinag-usapan kahapon nina Manay Lolit at Mr. Fu sa TITIMG na maaaring mapanood ang replay sa Facebook pages ng Pilipino Star NGAYON at YouTube channel.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with