^

Pang Movies

Ruru, tiyak na ninerbyos kay Christopher

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ruru, tiyak na ninerbyos kay Christopher
Ruru Madrid

Maganda ‘yung role ni Christopher de Leon sa Lolong.

Suwerte ni Ruru Madrid dahil binigyan siya ng malakas na suporta ng GMA 7 sa kanyang break bilang bida sa isang serye.

Imagine mo na isang multi-awarded actor ang kasama mo sa serye. Siguro nga nagkaroon ng konting nerbiyos si Ruru sa mga eksena nila together ni Christopher dahil kahit sinong baguhan medyo takot makasama ang senior actors. Pero sabi ni Christopher mahusay raw na artista at mabait si Ruru kaya tuwang-tuwa siya sa Lolong.

Exciting naman ang teaser nito na malapit nang ilabas ng GMA 7 kaya naman lahat naghihintay na sa resulta ng Lolong.

Bea, nabawasan ang ‘Ningning’

May nagsasabi na parang wala nang ningning si Bea Alonzo dahil para namang hindi masyadong excited ang tao sa paglabas niya sa TV.

Mas nandu’n pa ang excitement sa pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa sitcom na Jose & Maria’s Bonggang Villa. Kasi nga ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy si Bea, baka dahil na rin sa edad niya at lagi ngang nasa isip mo na pinalitan ni Gerald Anderson ng mas batang Julia Barretto kaya tuloy ang lagi mong naiisip, baka dahil old na si Bea at young si Julia kaya na-ghosting.

Sayang kasi there was a time na inaakala ng marami na mala-Diyosa ang ganda ni Bea pero hayun nga, iniwan sa ere. Dapat sa edad niya meron na siyang asawa at mga anak, pero single pa rin kaya nagtatanong ka, ano ang dahilan?

Sana naman makakita na siya ng tunay na magmamahal sa kanya para hindi siya maging bitter sa buhay.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with