^

Pang Movies

Dahil sa Lupang Hinirang... Toni, kinaiinggitan ng bashers and haters

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dahil sa Lupang Hinirang... Toni, kinaiinggitan ng bashers and haters

Mainggit kayo, bashers and haters, kay Toni Gonzaga! Siya lang naman ang kinuhang kakanta ng Pambansang Awit sa oath-taking ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. ngayong Huwebes, June 30, sa National Museum!

Malaki ang naging kontribusyon ni Toni at asawang si Paul Soriano sa nakaraang kampanya ng Uniteam ng BBM at Sara Duterte.

Sa June 30, iwasang dumaan sa malalapit na kalye sa National Museum dahil sarado ang mga ito upang bigyang-daan ang inagurasyon ng bagong presidente ng bansa.

Kapatid ni Claire Castro, naging kontrobersyal dahil kay Yorme

Kapatid pala ng Kapuso artist na si Claire Castro ang naanakan ni Joaquin Domagoso, si Raffa Castro ayon sa reports.

Lihim na lihim sa showbiz ang pagkakaroon ng relasyon nina Joaquin at Raffa. Nabunyag lang ito nang kumalat ang balitang tatay na si Jaoquin sa edad na 20.

Anak sina Claire at Raffa ng dating matinee idol na ngayo’y broadcaster na si Diego Castro. Lolo na nga si Yorme Isko Moreno!

Mars, babu na this week

Saglit lang si Kim Atienza sa Mars Pa More dahil bagong dagdag lamang siya.

Pero kahit babu na sa ere this week ang show na unang hinost nina Camille Prats at Iya Villania, may kapalit naman agad na bagong morning show si Kim.

Yes, makakasama ni Kim sa kapalit na show ng Mars Pa More sina Pokwang at Rabiya Mateo, ang TiktoClock!

Harinawang umabot din ang bagong show ng mahigit isang dekada gaya ng Mars Pa More na taong 2021 nagsimula sa GMA!

Pinatigil na kaya si Iya ng asawang si Drew Arellano na magtrabaho dahil apat na ang anak nila?

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with