^

Pang Movies

Elias nina John Lloyd at Ellen, adjusted na sa dalawang pamilya

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Elias nina John Lloyd at Ellen, adjusted na sa dalawang pamilya

Napakasuwerte ng four-year-old son ni Ellen Adarna sa kanyang ex-flame na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto dahil may dalawa itong pamilya na nagmamahal sa kanya – ang kanyang mom and stepdad na si Derek Ramsay at ang kanyang biological father at girlfriend nitong si Isabel Santos.

Si Elias (who turned 4 last June 27) ay kapisan ng kanyang mom (Ellen) at Derek who treats him just like his own son. Pero regular din siyang kinukuha ni John Lloyd.

Derek’s 18-year-old son na si Austin (sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly) stays with him. Close rin si Austin sa kanyang stepmom na si Ellen gayundin sa anak nitong si Elias.

Ang mag-asawang Ellen at Derek ang nag-host ng 4th birthday party ni Elias habang kasama naman ang bata sa ika-39th birthday celebration ni John Lloyd last June 24 sa set ng Happy ToGetHer dahil it was a birthday taping sa actor kung saan siya dinalhan ng birthday cake ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Three days apart lamang ang birthday ng mag-amang John Lloyd at Elias.

Cesar at Diego, bumabawi

Masaya pareho ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga na sila’y magkasama for the first time sa dramedy movie na Maid in Malacañang mula sa panulat at direksiyon ng controversial director na si Darryl Yap.

Cesar plays the role of the late Pres. Ferdinand Marcos at si Diego naman sa anak ng dating pangulo na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. habang si Ruffa Gutierrez naman ang gumaganap sa papel ng dating First Lady na si Imelda Romualdez-Marcos, habang si Cristine Reyes bilang si Sen. Imee Marcos at si Ella Cruz bilang si Irene.

Sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Be­verly Salviejo ang gumaganap na tatlong maids/yayas sa Malacañang.

Kahit ginagawa pa lamang ang pelikula ay may playdate na itong July 20, 2022 na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide.

Umaasa si Boss Vic del Rosario, Jr. ng Viva na ito ang magiging daan para bumalik ang interest ng mga tao sa sinehan.

Samantala, magmula nang muling magkabati ang mag-amang Cesar at Diego, naging constant na ang pagsasama nila maging ng iba pang half-siblings ng actor.

Ayon kay Cesar, matagal umano niyang ipinagdasal na muli silang magkasama-sama ng kanyang mga anak na siya namang nangyari. Nung nakaraang Father’s Day ay kasama ni Buboy (Cesar) ang kanyang mga anak (sa magkakaibang babae) except ‘yung panganay niyang si Angela na nasa Bohol.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with