^

Pang Movies

Nanay ng anak ni Joaquin Domagoso, lumabas na sa social media

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Bagong gawa lang ang Instagram ni Raffa Castro, ang itinuturong ina ni Baby Scott, ang baby boy nila ni Joaquin Domagoso. Sabi nito sa kanyang DP, “Hope this ACC lasts.” Pero sa mga comment na “hot momma, “Luh juntis yern” at “nanganak ka na?,” baka mag-delete ng IG si Raffa.

Maganda at seksi rin si Raffa, gaya ng sister niyang si Claire Castro, puwede siyang artista, pero “TikToker” ang tawag sa kanya ng netizens. Sa datingan nitong si Raffa, parang influencer o model siya.

Anyway, ngayong hindi na blind item ang tungkol dito, puwede na sigurong interbyuhin si JD, tutal may lumabas na hindi niya inililihim ang pagkakaroon ng anak at age 20.

Hindi lang daw niya maamin ang tungkol dito dahil nagte-taping siya noon ng First Lady  na kung saan, ka-love team niya si Cassy Legaspi.

Naging busy din daw si JD sa kampanya ng ama niyang si Manila City Mayor Isko Moreno at hindi raw right time na amining nakabuntis at magiging ama na siya.

May mga nanghihinayang na at his age, may anak na si JD lalo na’t hindi pa nga umaabante ng husto ang career.

Sana, hindi siya bitawan ng Sparkle GMA Artist at bigyan pa rin ng project na babagay sa kanyang estado sa buhay ngayon.

Heart, sanay rumampang walang bra

Ang sexy naman ng suot ni Heart Evangelista sa Louis Vuitton event sa bansa kamakailan. May pa side boob pakita si Heart, pero classy pa rin siyang tingnan. Hindi rin isyu kung braless siya dahil matagal na siyang rumarampa ng braless.

Puro LV pala ang suot ni Heart sa nasabing event, mula sa damit at bag, mukha talaga siyang expensive, kaya ang fotographers, ayaw siyang tigilan. Isa siya sa paboritong kunan ng litrato.

Anyway, may bagong pinagkakatuwaan ang followers at fans ni Heart, ito ‘yung pinost niyang Chanel lip tint. Marami ang umaarbor at ang iba, nag-suggest na ipa-raffle niya ang hawak na lip tint. Sana raw, kahit minsan lang, makahawak sila ng Chanel lip tint.

Movie ni John Lloyd sa GMA, tuloy na

“Productive meeting” ang caption ni Atty. Annette Gozon-Valdes sa photo ng meeting nila ng kapwa GMA executives kay John Lloyd Cruz. Head ng GMA Pictures si Ms. Annette, kaya hula ng Kapuso fans, pelikula ang offer at pinag-usapan nila ni JLC at ng kampo nito.

May mga request agad ang fans, gusto nila si Bea Alonzo ang maka-partner ni JLC sa kung anumang project ang sunod niyang gagawin sa sitcom na Happy ToGetHer. 

May  nag-request naman ng project nina Maja Salvador at Miles Ocampo, sana raw, hindi lang sa Happy To GetHer  mapanood si Miles. Ang alam namin, pumirma ng kontrata si Maja sa TV5, kaya malabong mabigyan siya ng project ng GMA-7. Mas may pag-asa pang magkaroon ng ibang project sa Kapuso si Miles at puwede silang magtambal ng boyfriend niyang si Elijah Canlas.

vuukle comment

JOAQUIN DOMAGOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with