^

Pang Movies

Gabby may concert tour, finale ng First Lady inaabangan

Salve V. Asis - Pang-masa
Gabby may concert tour, finale ng First Lady inaabangan
Gabby at Sanya

MANILA, Philippines — Sa Biyernes, July 1, na magaganap ang hinihintay na finale ng tele­seryeng nagbigay ng good vibes sa mga manonood, First Lady, starring Gabby Concepcion and Sanya Lopez bilang President Glenn Acosta and First Lady Melody Acosta.

Habang papalapit ang ending ng serye, inamin ni Gabby na ang lock-in taping ang naglapit sa buong cast sa isa’t isa kaya’t tiyak na mami-miss niya ang kanilang bonding : “Marami kaming fun memories together from day one until the last day of taping. Mami-miss ko ‘yong camaraderie, brotherhood and family bonding. We’ve developed true friendship talaga,” ani Gabby na nakatakdang umalis kasama ang pamilya para sa series of concerts sa Australia.

Sinabi naman ni Sanya na nalulungkot siya sa pagtatapos nito pero nakakaramdam din siya ng excitement sa mga susunod niyang proyekto : “Nakakalungkot siyempre. Mami-miss ko ‘yong tawanan at kulitan namin sa set. Nandiyan na ‘yong samahan at pagmamahal namin sa isa’t isa bilang pamilya. Pero excited kami sa mga bagong opportunity na darating sa mga buhay namin.”

Tumatak sa nasabing serye ang ginampanang important roles nina Pancho Magno, Ms. Pilar Pilapil, Boboy Garovillo, Maxine Medina, Thou Reyes, Ms. Sandy Andolong, Rocco Nacino, Cassy Legaspi, JD Domagoso, Clarence Delgado, Patricia Coma, Isabel Rivas, Francine Prieto, Samantha Lopez, Shyr Valdez, John Feir, Divine, Kakai Bautista, Analyn Barro, Glenda Garcia, Cai Cortez, Thia Thomalla, Anjo Damiles, Jon Lucas, Jerick Dolormente, Muriel Lomadilla, Kiel Rodriguez,  Atak, Cecil Paz, and Ms. Alice Dixson.

Bukod sa lahat ng mga rebelasyon at plot twist, dapat ding abangan ng Kapuso fans ang special participation ng iba’t ibang Kapuso stars at ng tatlong bagong Yayas sa inaabangang finale ng drama series. Kabilang umano sa tatlong yaya na papasok sina Glaiza de Castro, Carla Abellana and Rabiya Mateo.

Red Velvet, BINI, BGYO, at Lady Pipay bibida sa Be You! 

Handa na ang lahat para sa espesyal na advocacy concert na hangaring i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs na pinamagatang Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs) sa Hulyo 22 (Biyernes, 7:00 p.m.) sa SM Mall Of Asia Arena at ito ay inisyatibo ng Purpose International Training Institute Inc.

 Gumagawa at nagbibigay ang In Purpose International Trai­ning Institute Inc. ng mga tutorial trainings na naka-sentro sa mga programa para sa skill development at special education para sa mga taong mayroong special needs.

 Sa pamamagitan ng kanilang tagline na #YesToInclusion, layunin ng event na ito ang ipag-diwang ang diversity, indivi­duality, at kalayaan ng self-expression lalo na sa mga taong may special needs.

Nais din ng event na lumikha ng isang bukas at ligtas na espasyo para maipadama ng lahat ang kanilang mga sarili at ipagdiwang ang buhay lalung-lalo na sa gitna ng mahirap na buhay dulot ng pandemya.

 Sa ilalim ng direksyon ni Alex Magbanua, bida sa concert na ito na talaga namang spectacular ang show ang mga powerhouse artists gaya ng Korean all-girl pop group na Red Velvet kasama ang mga homegrown Pinoy artists gaya ng BGYO, Bini, Aeron Mendoza, at Lady Pipay.

Ipapakita rin sa concert ang mga inspiring testimonials na nag-aangat sa mga eksperyensa ng mga taong may special needs.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with