^

Pang Movies

Rita nilantad ang pagbubuntis, jowa inilihim   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rita nilantad ang pagbubuntis, jowa inilihim            
Rita Daniela

Kumpirmadong nagdadalangtao ang Kapuso actress na si Rita Daniela. Inanunsyo niya ito kahapon sa Queendom segment ng All-Out Sundays kahapon.

Hindi rin napigilan ni Rita ang mapaiyak habang inaamin niya sa buong mundo na magiging nanay na siya. Aniya ay wala naman daw siyang balak ilihim ito.

“I am so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy Mother’s Day to me.

“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just… naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” umiiyak na sabi ng aktres.

“Thank you so much All-Out Sundays family and, of course, GMA Network for supporting me and for loving me,” patuloy niya.

“Akalain mo ‘yung, ‘di ba, nagsimula ako dito sa GMA? I was just 10 years old and now, soon I will have a ten years old also and dito na talaga ako.

“‘Yung journey sa buhay ko, talagang nagsimula sa GMA. Maraming-maraming salamat GMA Network,” dagdag ni Rita.

Sinabi rin ng akres na sobrang happy niya ngayong nailabas na niya ito sa publiko dahil maisusuot na raw niya ang mga damit na gusto niyang suotin.

“Masaya, I am super happy and proud. At least I can wear na the dress that I want to wear at hindi ko na kailangan, you know. I’m so happy. Ang sarap sabihin,” sey ng aktres.

Isa sa bumati at nagbigay ng suporta kay Rita ay ang kabigan niyang si Julie Anne San Jose na naging kalaban pa niya noon sa Popstar Kids noong 2005.

“Rita, alam mo actually, nagulat kaming lahat. Talaga ba? We’re so, so very, very happy for you and we’re very, very proud of you.

“We all know that you’re going to be a great mother and palagi lang kaming nandito para sa ‘yo.

“Kung may kailangan ka, nandito lang kami and, of course, gusto lang namin na maging masaya ka so we support you. We support your happiness and your baby,” mensahe ni Julie Anne para kay Rita.

Kasunod nito ay nag-post na rin ang aktres sa kanyang Instagram account ng larawan niya na kitang-kita ang baby bump at and resulta ng sonogram.

“My child,

“You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord.

“I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita,” ang madamdaming mensahe ni Rita para sa kanyang future baby.

Samantala, hindi na sinabi ni Rita kung sino ang ama ng kanyang first baby pero ayon sa balita ay non-showbiz guy ito.

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with