^

Pang Movies

Richard, happy nang ilantad ni Raymond ang karelasyon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Richard, happy nang ilantad ni Raymond ang karelasyon

“Happy for you @mond,” comment ni Richard Gutierrez sa post ng twin brother niyang si Mond na nag-relationship reveal sa social media ng kanyang karelasyon na si Rob William.

“Celebrate your love! Happy Pride, Philippines,” ang caption ni Mond sa kanyang post habang holding hands sila sa tabing dagat at kasama ang black and white photo collage na may lips to lips photo sila at ang iba ay naglalambingan ng karelasyon.

Marami naman ang natuwa at nag-celebrate sa nasabing pagpapakilala ni Raymond sa kanyang partner ang sabi ay isang lawyer.

Nauna nang inamin ni Mond na happy ang kanyang lovelife.

Sa Los Angeles niya nakilala si Rob kung saan siya naglagi nang matagal nang magkaroon ng pandemya.

August 2021 nang umamin si Mond na parte siya ng LGBTQ+ community.

Gladys nag-debut sa kanyang birthday, walang paki sa mga invited

Happy and grateful si Gladys Reyes sa kanyang 45th birthday concert celebration last Thursday night, #GladysNight, na ginanap sa Theodore Events Place, kasama ang kanyang family, showbiz friends at ilang kaibigan sa entertainment press.

Parang debutant ang mahusay na actress nang bumaba sa staircase ng events place na naka-fuchsia pink gown at sinalubong ng mister na si Christopher Roxas na may dalang bouquet of flowers and chocolates at saka inihatid sa stage.

Pagdating sa stage, doon siya na rumampa-rampa at nag-umpisang kumanta with live band.

Babawi raw siya sa nasabing party dahil hindi naging masaya ang kanyang debut noon : “Babawi ako ngayon. Kasi, kelan pa, di ba?! ‘Pag singkuwenta na, pag ano na?!” sabi ni Gladys na kinatawa ng mga bisita niya.

Una niyang kinanta ang ‘Till the Morning Comes.

 Dagdag niya pa : “Saka naisip ko, since bisita lang kayo, wala kayong magagawa!,” na pinalakpakan ng mga andu’ng guest.

Second song ang Sway na halos sumayaw na ang mga bisita dahil talagang parang professional singer na si Gladys na rumarampa-rampa sa stage habang kumakanta.

Kitang pinaghandaan niya ang nasabing party. Mula sa venue, ang giveaways, sa mga appetizer, main course, desserts at everywhere sa venue ay may event coordinator.

Aminado siyang na-miss niya ang face-to-face event at lahat aniya ng mga bisita niya ay na-miss niyang kakuwentuhan dahil matagal ding puro Zoom ang mga event.

“Lahat ng mga inimbita ko na nandito ngayon. Chaka ang zoom. Iba, iba pa rin ang face-to-face! It’s nice to you, good friends, close friends. Siyempre, ang aking mga pamilya, kamag-anak ko po, ang INC TV, ang NET 25. Naku talagang salamat po, pinagbigyan ninyo ang trip ko. Ok ba? Lakas mag-trip, ‘di ba? Walang pakialaman, birthday ko, e, ‘di ba? Itong trip ko, bakit ba?! At saka tingnan n’yo naman, ang ganda, ‘di ba?!”

Sabay pasalamat sa gumawa ng kanyang fuchsia pink gown na detachable ang train.

Special guest ang best friend niyang si Carmi Martin na nag-sing and dance ng Last Dance na sinamahan pa ng anak nina Gladys at Christopher na si Christophe.

Nandun din sa party sina Angelu de Leon with her partner, Patricia Javier and her husband, Wowie de Guzman at ilan pang taga-former That’s Entertainment.

Ito ang first birthday ni Gladys na wala ang amang laging nakasuporta sa kanya noon pa.

Bago umatake ang pandemya ay nagkakaroon pa lang sila ng launching ng catering business nilang Sommereux at inilunsad nila ang That’s EntertainMeat pero naging maayos ang lahat at ngayon nga raw ay mas magiging aggressive sila sa kanilang mga negosyo.

Meron din silang Pinoy restaurant na Sonyer Restaurant na kuha niya sa pangalan ng kanyang ama.

Almost three decades na sila ng asawang si Christohper at 11 years na ang kanilang marriage.

Kaya nagpapasalamat siya sa Diyos sa lahat ng mga blessing nila.

Happy birthday, Gladys.

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with