^

Pang Movies

Kris, hindi pa kayang magbigay ng updates   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, hindi pa kayang magbigay ng updates              

Kasalukuyan na raw sinisimulan ang treatment process kay Kris Aquino sa Houston, Texas, ito ang ibinalita ni Nay Cristy Fermin.

“Tulad po ng inaasahan ay unti-unti na pong sinisimulan ang mga proseso ng gamutan kay Kris at maraming salamat dahil ‘yung kanyang team of doctors lalo na ‘yung Fil-Am doctor (Dr. Nino Gavino) na nakakita ng sakit niya na doon sa Amerika talaga kailangan gamutin, siya ang head doctor,” pagbahahagi ni Nay Cristy.

Dagdag pa niya, sa palagay niya raw ay positibo naman ang vital signs ni Kris para simulan ang gamutan. ‘Yun nga lang, talagang matagal daw ang proseso ng gamutan at aabutin ng eight months to one year.

“Una muna siyempre aayusin ang mga vital signs, tapos ‘yung sa veins niya sa EGPA (Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis) ‘yun ang number one, eh, di ba? Kailangan talagang pagtibayin ang system ni Kris ‘yung antibodies na tinatawag, ini-inject’ yun, eh para may panlaban tayo,” ani Nay Cristy.

“Alam mo kung bakit hindi pa siya nakakapagpadala ng kanyang ano (updates) na siya mismo personal kasi hindi pa niya kaya (mag-text or mag-post),” she added.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with