^

Pang Movies

Mamahaling kotse ng female teen star, regalo ng mayamang pulitikong may partner na iba

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Regalo raw ng isang mayamang politician ang mamahaling kotse na gamit ngayon ng isang female teen star ayon sa aming source.

Eh swak kasi sa panlasa ng rich politician ang maamong mukha at mabilog na pangangatawan ng female teen star. Kaya patuloy siyang nanunuyo sa pagbigay ng mamahaling regalo, huh!

Ayon pa source namin, kahit may partner ngayon ang politician, wala namang problema sa babae kung may kinahuhumalingang iba ang partner, huh!

Secured ang partner ng politician sa sitwasyon niya sa buhay ng politician kaya hinahayaan lang niya ang pagkahumaling niya sa teen star.

Dominic, nadagdag sa mga Kapamilyang nasa GMA na

Nadagdag ang aktor na si Dominic Ochoa sa listahan ng dating Kapamilya stars na nagbalik sa GMA Network.

Kasado na ang unang TV series na gagawin ni Dominic sa Kapuso, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Makakasama ni Dominic sa series sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Jillian Ward at si Andre Paras na hindi pala sa Return to Paradise balik-akting.

Ang ilan sa dating Kapamilya stars na mapapanod at napapanood na sa GMA ay sina Bea Alonzo, Xian Lim, Eula Valdez at Albert Martinez.

Sino ang susunod kay Dominic?

vuukle comment

DOMINIC OCHOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with