^

Pang Movies

Anak nina Greta at Tonyboy Cojuangco, manganganak na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anak nina Greta at Tonyboy Cojuangco, manganganak na!

Magiging lola na raw si Gretchen Barretto anytime ayon sa narinig kong kuwento.

Manganganak na raw kasi pala si Dominique Cojuangco, unica hija nina Tonyboy Cojuangco and La Greta.

Nauna na raw ikinasal si Dominique sa non-showbiz boyfriend nitong si Michael Hearn.

Nag-aral sa Istituto Marangoni sa London at Fashion Institute of Design & Merchandising in California, kung saan siya nagtapos ng magna cum laude, ikinasal na raw ito sa negosyante na may construction consultancy at cocktail bar sa isang simpleng seremonyas.

 Hindi ma-social media si Dominique na kasalukuyan daw naka-base sa London.

Kaya inaabangan kung bibiyahe si Gretchen pa-London para salubungin ang pagdating ng kanyang kauna-unahang apo.

 Matagal-tagal na rin naka-social media break si Gretchen na naging aktibo sa kalagitnaan ng pandemya sa pag-ayuda sa mga showbiz industry workers na matinding naapektuhan ng covid-19.

Pero naging kontrobersyal sa mga komento tungkol kay Sen. Bato.

Kasama ang anak kay Ellen... John Lloyd at girlfriend na si Isabel Santos, sweet sa birthday celebration ng actor

One happy family ang birthday celebration ni John Lloyd Cruz sa taping ng sitcom niyang Happy ToGetHer.

Aside from his co-stars, present sa kanyang celebration sa taping ang girlfriend nitong si Isabel Santos at anak na si Elias.

Ang saya ng kanilang animo’y suprise for John Lloyd.

Ang girlfriend niyang si Isabel ang may hawak ng cake at si Elias ay andun din at nakiki-blow ng cake.

Kinakantahan naman siya ng happy birthday ng kanyang co-stars at meron pang kuha sa video si Jayson Gainza na nakaupo ang magkarelasyon at panay ang caress nito sa actor.

Lately ay nagiging visible na ang ang magkarelasyon.

Si Isabel ay apo ng National Artist na si Malang Santos at naging grand winner ito sa UT Grand Prix (global t-shirt design competition ng Uniqlo).

Thirty-three years old na si Isabel ayon sa isang relative nito na nagkumpirma ng kanilang relasyon.

The World Between Us, unang Filipino series na mapapanood sa Amazon Freevee!

Isang panibagong milestone na naman ang nakuha ng GMA series na The World Between Us dahil simula June 22 ay maaari na itong i-stream sa Amazon Freevee.

Mapapanood na nga ng Kapuso viewers sa US ang serye na pinagbibidahan nina Alden Richards bilang Louie, Jasmine Curtis-Smith bilang Lia, at Tom Rodriguez bilang Brian.

Ang Amazon Freevee ay isang streaming video service na mayroong libong premium movies at TV shows na maaaring mapanood nang libre.

Bisitahin lang ang www.amazon.com/freevee para sa iba pang detalye.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with