^

Pang Movies

Bumalik na ang motivation...

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Balita mo sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa, Salve, na malinis na uli ang looks ni John Lloyd Cruz na nag-birthday din kahapon.

Kasi nga parang nagdaan sa phase ng buhay niya na hindi pinapansin ni John Lloyd ang hitsura niya, pinabayaan humaba ang balbas, buhok at hindi nag-ayos artista.

Bilang isang artista, siguro iyon ang tinatawag na moment of madness o basta keber lang, ayoko muna ng mga dati kong ginagawa. Ngayon naman ay balik pogi na uli si John Lloyd, clean cut na uli, mukha na uling idol.

Siguro rin dumaan si John Lloyd sa panahon na wala siyang motivation o nadaramang challenge, at iyon ngayon ang hinahanap niya.

O baka naman kailangan na talaga na magkaroon na siya ng lovelife para ma-inspire uli at mabuhay ang motivating factor ng katawan niya.

FF, nakakataranta!

Nagtataka ka pa, Salve, na mataas ang rating ng Family Feud nang sumali kayo nina Ian Fariñas, Ervin Santiago at Dondon Sermino sa show ni Dingdong Dantes.

Siyempre marami ang gustong makita kung ano ang mangyayari sa inyo, kung winner o loser noh! Kaloka na nataranta kayo kaya hindi umabot sa round at talunin ng team nila Ramon Christopher hah hah hah.

Talagang hindi nakuha sa projection n’yo ang mga tanong at hindi effective ang makeup ni Bambbi Fuentes. Pero kitang-kita naman na nag-enjoy kayo pati si Dingdong Dantes.

Sali uli kayo, dahil masaya. Bongga ang exposure ninyo.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with