^

Pang Movies

Glaiza, sanay na ‘di kasama ang asawa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Glaiza, sanay na �di kasama ang asawa
Glaiza de Castro

Hindi sabay-sabay aalis ang cast ng Running Man Ph tulad nina Glaiza de Castro, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Ruru Madrid, at Mikael Daez. At nabanggit nila kahapon sa presscon na two months sila sa South Korea at nauna nang lumipad ang creative team na makikipag-meeting pa sa mga taga-SBS, ang producer ng original Running Man. Si Rico Gutierrez ang director ng bagong game show ng GMA 7.

Palaban ang pitong kasali at lahat ay gustong manalo. Maganda rin ang sagot ni Glaiza na chance na nilang ipakita sa tao kung sino sila off-cam dahil sa show, lalaban sila hindi bilang mga artista.

“Ito na ang rurok ng mga pangarap ko at honor ako mapasama rito at makapunta sa Korea hindi lang to travel but also to work at makipag-collab sa South Korean productions. Sana, ma-meet namin ang original members ng Running Man. Open din ako sa lahat ng challenges at sa lahat ng bagay,” sabi ni Glaiza.

Ang kahinaan ni Glaiza, madaling matawa at sa mediacon pa nga lang natatawa na. Nag-iisip na nga ang mga kasama nito kung paano siya mapapatawa para matalo sa challenges.

Sa South Korean superstars na gusto niyang maka-partner, kabilang sa nabanggit ni Glaiza sina G Dragon, Song Joong-ki ang narinig namin.

Sa tanong kung ‘di ba niya mami-miss ang husband niyang si David Rainey, nasa Ireland daw ito ngayon at pareho silang busy. “I-enjoy na lang namin ang pagiging busy namin. Sanay na rin kami sa time difference, importante lang ang communication at nakasuporta siya lagi sa akin,” sagot ni Glaiza.

Andrew E., naging hot ulit!

Sikat na sikat na uli si Andrew E. dahil sa naitulong niya para maipanalo sina President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte. Sunud-sunod ang shows ni Andrew, dito man o sa ibang bansa at kahapon nga, nasa Bataan siya.

Galing si Andrew E sa Japan, may Canada Tour siya sa September at Dubai Tour sa October na tinawag niyang Bagong Pilipinas Tagalog Rap Festival. Kung inyong natatandaan, ang rap song niyang Bagong Pilipinas ay sumikat sa panahon ng kampanya at tiba-tiba nito ang kanyang Dongalo Wreckords.

Isa pang patunay ng second wave ng kasikatan ni Andrew ay ang Meet and Greet niya sa Greenhills. Ang daming tao na dumalo at sa video na napanood namin, hindi lang lalake ang pumunta, marami ring mga babae na naghintay magpapirma ng autograph, magpakuha ng picture at makausap siya.

Carla, sumali sa liwanag...

Isa si Carla Abellana sa mga celebrity na dumalo sa Thanksgiving para kay VP Leni Robredo na tinawag na Liwanag Sa Dilim. Isa si Carla sa mga tumindig at nagpakita ng suporta kay VP Leni, kaya hanggang ngayon, pinasasalamatan pa rin siya ng supporters nito.

Nasa event din sina Bam Aquino, Bianca Gonzalez at asawa nitong si JC Intal, Jake Ejercito, Agot Isidro at marami pang hindi makilala dahil nakasuot ng face mask.

As expected, maganda pa rin si Carla kahit naka-face mask at mabuti na wala yatang showbiz press sa event dahil tiyak na kahit bawal, pipilitin ding ma-interview si Carla sa estado nila ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with