^

Pang Movies

James, malakas ang loob!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Balita ‘yung balak at pangarap ni James Reid na ma-penetrate ang Hollywood.

Ayaw ko namang basagin ang trip niya, baka nga iba naman kapalaran niya.

Pero noon pa man, matagal nang panahon lagi na ang dream ng taga-showbiz magkaroon ng chance sa Hollywood. Napasok na ng mga taga-India, Mexico, Japanese, Korean at Chinese, pero wala pa ring Pilipino na talagang nabigyan ng malaking break sa international scene.

Nasa isip nga nila na mas madali sana sa mga Pilipino, dahil active ang showbiz natin, mahusay mag-English ang stars natin, pero mas nauunahan pa rin tayo ng ibang Asyano.

Heto na naman si James na baka nga may connection at malakas ang loob na baka makakuha ng project.

Sana nga magkatotoo, sana nga ito na ang panahon na makilala tayo ng lahat sa mundo. Sana nga meron nang isang artista malagay ang billing sa tabi nina Brad Pitt, Tom Hanks at Jennifer Lopez.

Hipon girl, pak na pak ang mga pinagawa sa mukha

Magiging sikat ang ‘Salamat po doktor’ ni Herlene Budol o Hipon Girl ha.

Ang laki ng iginanda niya mula pa noong makilala siya as Hipon Girl.

Kung makeup naman ang nakagawa ng transformation niya, tiyak na pupuntahan ito ng maraming babae dahil ang ganda ng nagawa niya for Herlene Budol ha. Kunin mo ang dating photos at itabi mo ngayon sa mga kuha niya, at mapapahanga ka sa malaking kaibahan.

Maganda ring magdala si Hipon girl dahil carry niya talaga ‘yung confidence na kailangan para mapahanga lahat sa kanya.

Bongga talaga ang transformation niya, magbibigay inspiration sa lahat ng babae na puwede silang gumanda basta gusto nila.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with