^

Pang Movies

Angelica, naguguluhan sa katawan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Angelica, naguguluhan sa katawan

Ang pahayag ni Angelica Panganiban sa kanyang pregnancy journey at marami sa mga buntis ang makaka-relate sa kanya.

“Medyo mahirap siya dahil ‘di ko talaga naiintindihan ang nangyayari sa katawan ko. Suka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo. Para akong kinikiliti. Konting bagay na makita ko, pinagtatawanan ko, ang babaw-babaw ng lahat. Lahat naaamoy mo, totoo pala ‘yon. Lahat naririnig mo, kaunting galaw, ramdam mo.”

Sa kanyang mga post sa Instagram, hindi ramdam ang mga pinagdaanan ni Angelica dahil lagi siyang naka-smile. By now, napanood na ang vlog kung saan, ikinuwento ni Angelica ang love story nila ni Gregg Homan.

First time sa lock-in

First lock-in taping experience ni Ariel Rivera ang taping ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na The Fake Life. Sa tanong kung how was it, sinagot ng aktor  sa pagbibigay ng pros and cons sa lock-in taping.

Isa sa pros ng lock-in taping ay nakakapag-focus ang mga aktor sa kanilang trabaho at karakter dahil wala ngang uwian.

“Ang cons naman, magkakaroon ka ng cabin fever dahil matagal kayong naka-confine sa iisang lugar. Kaya, first and last na ito sa akin. One month or 45 days is too long for me, it’s hard to adjust. Okay lang ang three weeks, pero kung mas matagal pa, ayoko na. Kaya nga, hindi na ito mauulit,” pahayag ni Ariel.

Hindi naman siguro pepersonalin ng production ng The Fake Life at ni director Adolf Alix, Jr., ang sinabi ni Ariel dahil sinagot lang ang tanong sa kanya.

Narinig din namin ito kay Gary Estrada, ayaw na rin daw niya ng lock-in taping, pero gaya ni Ariel, walang unpleasant experiences si Gary sa lock-in taping, naburyong lang sila pareho at na-homesick na rin siguro.

Wax figure ni Hyun Bin, mag-iikot sa Asya

Si Hyun Bin ang latest celebrity na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds sa Singapore. Sabi sa interview kay Hyun Bin, his wax figure will be touring in Asia, pero sa announcement, ang Bangkok at Hong Kong lang ang nabanggit.

“OMO FINALLY! The moment we all have been waiting for! Our beloved captain Oppa, Hyun Bin, is ‘crash-landing’ at Madame Tussauds! He will be immortalised in Madame Tussauds and his figure will be touring around Singapore, Bangkok and Hongkong. Xan we hear you scream?!” ayon sa announcement ng fans.

Mikael, iiwan si Megan nang matagal

Kabilang ang asawang si Megan Young sa mga nag-congratulate kay Mikael Daez sa pagkakasama ni Mikael sa Running Man PH.  Sabi ni Megan, “Congratulations, Fofo (terms of endearment niya sa asawa).”

Matagal sa South Korea si Mikael at mga kasama sa show, paano na si Megan sa one month, may nagsabing two months si Mikael sa South Korea?

 “Over a decade ago, I started running on this career path with GMA. At the same time, I found a running mate in a cute (emojis). Through out the years, takbo lang ng takbo para makuha ang goals. After all that, mukhang Running Man PH pala ang ending! So excited for this!! Also really happy to work with everyone.”

Sa June na ang alis ng cast at production, hindi lang malinaw ang petsa at hindi pa ina-announce ang director.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with