^

Pang Movies

Gretchen, nami-miss ng bashers?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gretchen, nami-miss ng bashers?!

Nami-miss na rin ng bashers si Gretchen Barretto.

Bigla na naman ngang nawala ang Instagram account ni Gretchen kaya na-sad ang ibang bashers.

Seriously, maraming nakaka-miss sa kanya lalo na ang followers na laging nakabantay sa OOTD ng former actress.

Nagwo-worry naman on the other hand ang mga natulungan niya sa kalagitnaan ng pandemic.

Libu-libong love box din kasi ang naipamigay niya na halos malimas ang laman ng ibang supermarket tuwing mamimili ang grupo ni Ms. Greta, ayon sa source.

Ganundin ang mga saku-sakong bigas na ipinamigay niya at santambak na wheelchairs sa mga senior at ibang may karamdamang hindi maka-afford bumili ng wheelchair.

Iba pa ‘yung inabot niyang tulong sa maraming hospital sa Metro Manila.

Ayon naman sa isang malapit sa actress baka naman bet lang din ni Gretchen na mag-social media break para matutukan ang pag-aalaga sa kanyang Mommy Inday na hanggang ngayon daw ay naka-confine sa isang hospital sa Makati.

Ayon naman kay Ms. Ana Abiera, BFF ni La Greta, ‘she’s good.’

Ang daugther nila ni Tonyboy Cojuangco na si Dominique ay wala ring masyadong updates sa kanyang Instagram page.

Nauna nang na-hacked ang original account ni La Greta sa IG na imbes na habulin ay gumawa siya ng panibagong account na ngayon nga ay ‘di na uli mahanap.

Kahit matagal nang pahinga ang showbiz career ni Gretchen, lagi naman siyang pinag-uusapan na ang huling isyu sa kanya ay ang tungkol sa kanila ni Sen. Bato dela Rosa.

Kathryn, ayaw abusuhin ang sarili sa trabaho

Humihingi pala si Kathryn Bernardo ng free days from work lalo na kung sa tingin niya ay sunud-sunod na araw na siyang nagtatrabaho. Aniya, mahalaga na maging balanse ang buhay at isang paraan ay ang makasama niya ang mga taong mahalaga sa kanya. “I like to be spontaneous. Kung feel ko biglang mag-out-of-town, ite-text ko ‘yung mga kaibigan ko na ‘overnight tayo’ or tambay lang sa bahay and then may pupunta dun na mga kaibigan. Nakaka-recharge na ‘yun for me.”

Sa mga pagkakataon naman na tinatamaan si Kath ng sakit na dala ng pagod, puyat at stress, ang kanyang mommy ang lagi niyang takbuhan. “Clingy ako kapag may sakit. Gusto ko ‘yung feeling na may nag-aalaga. Tapos request ko parati sopas, ‘yung maraming butter, ‘yung kulay yellow na ‘yung sabaw sa dami ng butter.

“And kung kailangan, inuman din talaga ng medicine like Biogesic. Tapos mafi-feel mo na na pinapawisan ka and you’re getting better,” pag-amin pa ng actress na back to work na pagkatapos ng kanilang bakasyon ni Daniel Padilla sa Chiang Mai, Thailand bilang celebration sa kanilang 10th anniversary.

“Walang reason to say no to Biogesic kasi it is such an honor to be part of the brand,”chika pa dalaga habang naka-lock-in taping para sa kanyang bagong TV series na 2 Good 2 Be True katambal ang kanyang reel and real love team na si Daniel na in all fairness ay laging number 1 sa trending.

Si Kath nga ang bagong personalidad ng nasabing gamot sa sakit ng ulo kasama ang seasoned actress na si Jodi Sta. Maria na pitong taon ng brand ambassador. Bago nito, ang aktor na si John Lloyd Cruz ang endorser, kung saan tumatak ang kanyang iconic na “ingat” salute. So wala na talaga si John Lloyd?

“Super fan ako ni John Lloyd and growing up napapanood ko ‘yung commercial niya na sobrang identified sa kanya. Ngayon, part na rin ako ng Biogesic brand and it’s really one of my biggest blessings.”

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with