^

Pang Movies

Walang bahid ang pagkalalaki...

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Walang bahid ang pagkalalaki...

Kahit sino naman, hindi pagdududahan na bakla si James Reid. ‘Yung pagyakap niya sa kaibigang lalaki ordinaryo iyon sa mga may foreign blood na tulad ni James.

Ugali ng mga puti ‘yung yakapin at kung minsan halikan pa sa pisngi ang friends nila kahit ano pa ang gender nito.

Kahit nga ang iba nating stars makikita mo ring gumagawa nito dahil common gesture ang pagyakap at paghalik.

Nilagyan lang ng malisya at ginawang issue dahil si James ang involved. Pero for sure isang tunay at solid na lalaki si James, walang kaduda-duda.

Hindi gagawin ng isang closet queen ang isang bagay na alam niya na babantayan sa kanya.

Sa case ni James, open niyang ginawa, dahil secure siya kung sino at ano siya.

Kaya for sure, James Reid is just laughing at the issue, at keber lang siya. Bakit ba, cute, pogi, at yummy kaya binabantayan ang bawat kilos.

Mga GMA Exec, ‘di mataas ang ere

Isa siguro sa dahilan kung bakit ever since feeling ko GMA 7 baby ako ay dahil sa umpisa pa lang, mabait na ang mga top brass ng network sa akin. Very approachable sila, sweet at wala ‘yung air na mas mataas sila.

Mula pa noong panahon ni Lenny Parto, Wilma Galvante, at ngayon ni Lilybeth Rasonable, lagi silang may time para sa iyo.

Pero ang grabe ang PR ay sina Joey Abacan at Annette Gozon-Valdes. Perfect sample sila ng mga nasa top management na dahilan kung bakit contented ang mga tao na nagtratrabaho sa kumpanya. Laging may time si Ms. Annette para sa mga gustong mag-consult sa kanya. Lagi na ay very helpful siya kaya naman mahal na mahal siya ng lahat na makasalamuha niya.

Ms. Annette is one reason why GMA 7 is number 1. Isa siya sa aces ng network.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with