^

Pang Movies

Susan Roces, ililibing na!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Susan Roces, ililibing na!         

Ngayong araw na ito ihahatid na sa huling hantungan ang labi ng isa sa mga kinikilalang movie queens ng bansa na si Susan Roces.

Nakahanda na ang pag­lilibingan sa kanya, sa tabi ng puntod din ng kanyang asawang si FPJ (Fernando Poe Jr.) sa Manila North Cemetery.

Kagabi, nagkaroong muli ng pagkakataong magkaroon ng pribadong lamay ang pamilya at malalapit na kaibigan ni Susan.

Noon ding Martes ng gabi, nagbigay-pugay sa movie queen si President-elect Bongbong Marcos. Sinalubong naman siya ni Senadora Grace Poe.

Marahil nga marami ang hindi nakakaalam na sina Susan at FPJ ay kinakapatid ni BBM, dahil ang dalawa ay inaanak sa kasal ng dating Pangulong Ferdinand Marcos at Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos. May panahon din namang si Susan ay nakabilang sa “blue ladies” ng dating unang ginang.

Ngayon inaasahan namang makikipagtulungan si Senadora Grace sa administrasyon ni BBM, na siya ring unang majority president ng Pilipinas simula noong 1986.

Sinasabi nga ng observers na sa burol ni Susan ay nakikita nga ang unti-unting pagkakaisa ng lahat kabilang na ang mga lider-pulitiko.

Inaasahan ding sa panahon ni BBM ay tutulu­ngan niyang makabangon ang industriya ng pelikula na labis na pinagmalasakitan ng kanyang ama’t ina, kahit na noong nakaraang eleksyon ay puro paninira sa kanya ang narinig sa maraming artista.

Lumang short film ni Ate Vi, lumabas

Viral sa social media ang isang short film ni Ate Vi (Vilma Santos) noong panahong bata pa siya at kumakanta ng Teenage Senorita.

Palagay namin artista na siya noon, dahil nagsimula siya ay nine years old lamang sa Trudis Liit. Hindi iyon video, dahil wala pa namang video noong panahong iyon. Iyon ay isang black and white short film, na baka nga ginawa sa 8mm.

Lahat halos sila ay nagsasabing “ang cute,” pero ang napansin namin doon ay ang kanyang talent at ang ibinibigay na performance level.

Hanggang ngayon naman, iyon ang advantage ni Ate Vi, laging mataas ang kanyang performance level.

Nakakatuwa na may naitago pa palang ganoong short film si Ate Vi.

Indie aktor, mas abala na sa buy & sell

Nagtatawag daw ang isang male indie star sa kanyang mga kakilala at nag-aalok ng kung anu-anong ibinebenta niya. Nauwi nga siya sa buy and sell simula nang hindi na umusad ang kanyang career.

Bagama’t may hitsura naman, hindi kasi masasabing exceptional talaga ang kanyang talent, at mali pa ang mga taong nag-manage sa kanyang career kaya walang nangyari.

Ngayon hindi na siya maaaring maghintay ng chance bilang artista o modelo dahil may pamilya na siya. Hindi na rin naman siya puwede sa “sideline” dahil nga may asawa na siya.

Mabuti naman at ang naisip niya ay pumasok sa negosyong legal. Maliit ang kita pero ok na.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with