^

Pang Movies

Kilalang makadiyos at hindi kumakain ng masarap Susan Roces payapa ang pamamaalam sa edad na 80!

Salve V. Asis - Pang-masa
Kilalang makadiyos at hindi kumakain ng masarap Susan Roces payapa ang pamamaalam sa edad na 80!

MANILA, Philippines — Kasama ang hindi pagkain ng ‘masasarap’ ang isa sa mga sikreto ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces kaya napapanatili niya ang pagiging ‘face that refreshes’ hanggang 80 years old. “Sabi ng doktor, lahat ng masarap tanggalin mo. Puwede kang kumain ng kahit gaano karaming seafood pero alisin ang aligi, ‘wag mong kakainin ang ulo ng hipon o wag mong kakainin ang tiyan ng bangus,” kuwento niya sa isa sa mga huling interview namin kay Lola Flora ng Ang Probinsyano sa renewal niya ng contract bilang RiteMed ambassador noong 2018.

Anong puwede niyang ibigay na advice sa mga artista natin ngayon para maging successful ding tulad niya? “Sa panahon ngayon mahirap magbigay ng pangaral, advice, etcetera. Especially unsolicited advice. So wala akong advice, I am not willing to give advice, I just share whatever I had went through experience,” aniya na Jesusa Sonora Poe sa totoong buhay.

Pagdating naman sa issue ng depression, religion and family, ang nakikita niyang solution para hindi ito maranasan ng mga taong nagiging biktima nito ay ang Diyos.

“Whether it be catholicism, whether it be Buddism, those who call their God Allah, Buddha, they have many names. But that’s only one.

And when we are alone and feeling lonely, by ourselves thinking that there’s nobody else, we call on God.

We call on God. We bent our anger, our loneliness, our depression on Him..

We continue to hope and hold onto Him, that is our saviour.

I think religion is a very big factor.

Religion is very important. Nowadays, people are too busy doing their thing - to earn a living, to be able to live comfortably. Especially nowadays, there are many material needs.

We all go through that every day. So we need our religion.”

Pumanaw noong Biyernes ng gabi ang nag-iisang reyna ng Philippine Movies sa edad na 80.

Si Sen. Grace Poe ang nagkumpirma sa kanyang pagyao.

 Samantala, bukas, Lunes, sana ang biyahe ng second batch ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos. Umalis ang first batch last May 18. Pero malamang diumano na magkaroon ng pagbabago

Last cycle na ito supposedly ng taping ng naturang teleserye ng ABS-CBN na pitong taon na ring umeere at napapanood si Susan Roces.

Nang magkaroon ng pandemic, sa bahay na lang kinukunan ang mga eksena ni Lola Flora, ang charac­ter niya sa Ang Probinsyano. Bumili na raw ito ng mga sariling camera para sa bahay na lang mag-taping ng mga eksena niya.

May advice na ang buong cast na hanggang July na lang ang taping ng Ang Probinsyano pero wala umanong sinasabi kung hanggang kailan ang airing nila.

Bumaha ng tribute at pakikiramay mula sa maraming taga-showbiz industry ang pagpanaw ni Ms. Susan Roces.

Ang wake ay sa Heritage Memorial Park, umpisa ngayong Sunday up to Tuesday, 10 a.m. to 10 p.m.

Ipinaalala sa lahat ng mga makikiramay na sundin ang safety protocols – magsuot ng mask during service at observe social distancing.

Magkakaroon ng announcement ang interment.

Sa mga makikiramay naman virtually, magpo-provide sila ng Zoom link para sa daily masses.

Naunang pumanaw noong Dec. 14, 2004 si Da King Fernando Poe Jr. sa edad na 65.

Mahaba ang listahan ng mga ginawang pelikula ng legendary actress na 1968 nang ikasal kay FPJ.

Eighty-one years old na sana siya sa July 28.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with