^

Pang Movies

Loisa at Ronnie, wala pang balak pakasal   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Loisa at Ronnie, wala pang balak pakasal                  

Medyo matagal-tagal na rin pala ang relasyon nina Loisa Andalio and Ronnie Alonte. Almost six years na raw sila at nakakatuwa nga na makita silang nagma-mature na rin compared noong unang sabak nila sa showbiz na mga totoy at nene pa.

Kung dati nga ay support lang ang tandem nila sa mga TV series ng ibang sikat na loveteam, ngayon ay sila na ang bumibida sa sarili nilang teleserye.

Ang LoiNie ang bida sa upcoming Kapamilya series na Love In 40 Days. Sa screening and mediacon na ginanap last Friday, masayang-masaya ang real-life couple na may sarili na silang serye ngayon.

“Nakakataba ng puso kasi ‘eto po ‘yung matagal talaga naming hinihintay ni Ronnie,” pahayag ni Loisa. “At finally, nangyari na at binigyan pa kami ng talagan brilliant directors, mga mahuhusay na kasama kaya hindi rin po kami nahirapan ni Ronnie dito sa Love in 40 Days. Talagang tulungan po kaya sobrang blessed po kami na binigay po sa amin itong Love in 40 Days.”

Aminado naman si Ronnie na talagang kinakabahan din sila, “kasi kami ‘yung nasa gitna, tapos na-starstruck ako sa mga paligid namin. And excited na kami na talagang mapanood nila ito nang buo,” sey ng aktor.

At dahil magsi-six years na ang kanilang relasyon, natanong ang LoiNie kung may aasahan na rin bang engagement sa kanila ang fans nila.

“Hindi pa siguro ngayon or ano. Darating tayo du’n. Kasi sa ngayon, ang focus namin is i-enjoy muna ‘yung buhay namin hangga’t bata pa kami, mag-i­­pon para pagdating or dumating ‘yung panahon na kailangan na, eh di tara na,” sabi ni Ronnie.

Dagdag ng aktor ay dadating din naman sila sa ganu’ng stage pero hindi pa raw ngayon dahil bata pa sila. But he assured their fans na nakaplano na rin naman daw ang bagay na ito.

“Dadating tayo diyan. Sigu­ro, sa ngayon, ie-enjoy muna namin. Medyo bata pa kami para do’n. And huwag kayong mag-alala. Ayun naman ang mindset namin. Nakaplano ‘yan. Naks! Pero hindi pa ngayon,” aniya.

Inayunan naman ito ni Loisa.

“Tama po ‘yung sinabi ni Ronnie. Kasi ayaw rin po namin na pumasok sa ganu’n kataas na ano na, ‘yung relationship na engagement na.

Kasi tama, ang babata pa po namin. Marami pa kaming gagawin din. And basta, nandito kami to support each other. ‘Yun na ‘yung the best po,” she said.

Cute ang first two episodes ng Love in 40 Days. Ginagampanan ni Loisa ang papel ni Jane na isang insurance agent pero maagang kinuha ni Lord kaya magiging multo siya.

Si Ronnie naman ay si Edward, isang maya­mang band member na nakakakita kay Jane kaya hindi niya alam na ghost ito. Siyempre, eventually ay mai-in love sila sa isa’t isa.

Directed by Manny Palo and Jojo Saguin, magsisimula na ang Love in 40 Days ngayong May 28 sa iWantTFC app at website, at sa Mayo 30 naman ng 10 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

LOISA ANDALIO

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with