^

Pang Movies

Jennica, Kapamilya na!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kasama sa cast ng bagong ABS-CBN teleserye na Dirty Linen ang aktres na si Jennica Garcia.

Noong nagdesisyon na magbalik showbiz si Jennica last year habang  may problema sa pagsasama nila ng mister niyang si Alwyn Uytingco, sa bakuran siya ng GMA ulit napanood, sa teleserye na Las Hermanas.

Pero hindi naman ito ang unang teleserye ni Jennica sa ABS-CBN. Lumabas siya sa ilang episodes ng Wildflower noong 2017 at sa Nang Ngumiti Ang Langit noong 2019.

“Sobra ‘yung kaba. Meron akong nararamdaman sa puso ko may kailangan akong patunayan, kasi hindi ako dito galing. Ang goal ko po talaga rito ‘yung mapakita ko sa ABS-CBN na, ‘Ah, tama siya nga talaga dapat,’” sey ni Jennica.

Makakasama ni Jennica sa teleserye sina Janine Gutierriez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, and Seth Fedelin. Magsisimula pa lang mag-taping sa July.

Tungkol naman sa samahan nila ni Alwyn, may nagsabing okey na raw ang dalawa. Pero kung titingnan ang kanilang social media accounts, walang makikitang latest na post na magkasama ang dalawa.

Updated ang Instagram account ni Jennica at kapansin-pansin na wala silang bagong photo na magkasama ni Alwyn. Puro dalawang anak lang nila ni Alwyn ang kasama ng aktres. Hindi rin binalik ni Jennica sa married name niya ang IG profile niya.

Hindi naman updated ang IG account ni Alwyn at ang photo na pinost niyang magkasama sila ni Jennica ay may date na June 2021 at ang caption ay nagso-sorry siya kay Jennica.

Nagbalikan na kaya sila o hindi pa? ex-eb babes, Bida sa Cannes entry

Dalawang Filipina-Japanese actresses ang bumibida sa pelikulang Plan 75 na in competition sa Un Certain Regard section ng 75th Cannes Film Festival na nagbukas noong May 17.

Collaboration ng Philippines-Japanese-France film producers ang Plan 75 na ang direktor ay si Chie Hayakawa. Co-producers ay mga Pinoy na sina Alemberg Ang at Wilfredo Manalang. Tungkol sa Filipina caregiver ang kuwento ng Plan 75 at bida rito si Stefanie Arianne. Ang isa pang Pinay actress sa pelikula ay si Sheryl Ichikawa.

Ayon sa director ng Plan 75 na si Chie: “There are so many foreign caregi­vers coming to Japan because of labor shortage, especially in the field of elderly nursing homes. The Philippines is one of the biggest countries to provide caregi­vers to Japan. The reason why I chose a Filipino caregiver is because I have an impression that Filipino people have strong family and community bonds that we Japanese are losing. They have a spirit of helping each other that may be rooted in their religion or cultural background. I feel that they have a national characteristic of affection and philanthropism. I wanted to contrast the warm Filipino community with the apathetic community in Japan. I also wanted to include the eyes of a foreigner who looks at Japanese society objectively.”

Nagulat si Stephanie nang siya ang mapili sa role na Maria sa Plan 75: “Yes, it is! I’m beyond thankful and am still in cloud 9. I found out while I was out having dinner with my boyfriend. I saw that Mr. Alemberg tagged me on Facebook, saying we got in Cannes. I exclaimed, ‘Oh my God!’ louder than I expected. Throughout the dinner, I was just alternately giggling, spacing out, or happily dancing. On the way home, I was just happily crying in the car and screaming my joy on the highway. This will be my second film festival red carpet and all I hope is that I won’t trip in my heels like in the first one! It’s going to be a memorable experience and an honor to represent both Japan and the Philippines.”

Ang pagiging natural daw ni Sheryl Ichikawa ang dahilan kung bakit siya binigyan ng mahalagang role bilang Grace sa Plan 75. Naging contestant ng Eat Bulaga sa EB Babes si Sheryl. Nakasama rin siya sa isang Lenten drama special ng EB na kinunan sa Fukuoka.

Rihanna, nanganak na

Sinilang na ng billionaire singer-entrepreneur na si Rihanna ang baby boy nila ng boyfriend-rapper na si A$AP Rocky.

Noong May 13 nanganak si Rihanna sa isang hospital sa Los Angeles, California. Wala pang details kung ano ang name na binigay ng couple sa kanilang baby boy.

Pinagpistahan si Rihanna ng maraming paparazzi dahil sa pagiging proud nito sa kanyang pagbubuntis. Rumarampa siya sa iba’t ibang red carpet events, pero hindi siya nagsusuot ng maternity dress kundi mga see-through designer clothes, sequined bras, mini-skirts at lingerie na galing sa kanyang Savage X Fenty line.

“Right now I’m really into pushing the idea of sexy. When women get pregnant, society tends to make it feel like you hide, hide your sexy. I don’t believe in that shit,” sey noon ni Rihanna.

Na-immortalize pa ang kanyang pregnant body sa pamamagitan ng digital imagery sa nakaraang Met Gala sa Metropolitan Museum of Art and Costume Institute noong nakaraang May 2.

vuukle comment

JENNICA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with