^

Pang Movies

Sharon, sumigla sa naka-schedule na concert ng K-Pop idols

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, sumigla sa naka-schedule na concert ng K-Pop idols

Bumalik na ang sigla ni Sharon Cuneta sa balitang magpi-perform sa Smart Araneta Coliseum si Dream ng NCT, Key ng SHINee, Wei and Alice. Isa sa favorite K-pop group ni Sharon ang Shinee at pati yata NCT, kaya agad pinost sa Instagram ang darating nilang show sa May 29.

Hindi kami magugulat kung isa siya sa mga unang bumili ng tiket na available na noon pang May 17. “I’ve been waiting for years! Just what I needed to ease the pain of heartbreak,” aniya sa post.

Excited na rin ang ibang fans ng mga nabanggit K-pop group na makasabay nila si Sharon na nano­nood sa Big Dome.

Ang heartbreak na tinukoy ni Sharon ay ang pagkatalo ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan na tumakbong vice president sa katatapos na eleksyon.

Puwede ring ituring ni Sharon na heartbreak na ‘yung mga kaibigan niya sa showbiz, pati ‘yung mga close sa kanya ay hindi sinuportahan si Kiko.

Anyway, tama ang supporters nina Sharon at Kiko na may mga susunod pang eleksyon na dapat ngayon pa lang, paghandaan na para masigurong mananalo na!

Sofia at Allen, inaakusahang paborito

Sabi ng fans ng ibang love team ng Sparkle GMA Artist, malakas daw sa management sina Sofia Pablo at Allen Ansay dahil hindi pa man tapos ang Raya Sirena, may kasunod na agad silang project.

Wala pang sinabing title ang project nina Sofia at Allen, pero malapit na raw silang mag-taping.

Hindi naman siguro malakas sa management sina Sofia at Allen, marami lang silang fans na laging nakaabang sa mga ginagawa nilang project. Masipag din silang magpa-trend at magpataas ng ratings na kailangan para mapansin sila ng management.

Sipagan kaya ng fans ng ibang love team ang pagsuporta nila para sunud-sunod din ang kanilang project at nang makilala na sila.

Romnick, mas dumami ang followers

In fairness kay Romnick Sarmenta, kung kailan nakiusap na i-unfollow at i-unfriend siya ng followers at friends niya sa Facebook na hindi Kakampink at hindi bumoto kay VP Leni Robredo, saka tumaas ang numbers ng followers niya sa Facebook.

Nakiusap kasi si Romnick sa non-Kakampink na i-unfollow o i-unfriend siya dahil magkaiba sila ng sinuportahan.

Ang dating 103K followers niya, ngayon ay 106K na at wala pa rin siyang pina-follow sa mga nagpa-follow sa kanya. Nakaaaliw lang basahin ang mg comment sa kakaibang pakiusap ni Romnick.

Bakit daw nakiusap itong i-unfollow siya eh, hindi naman nila ito pina-follow? May nag-comment naman na nagpapapansin lang si Romnick at ‘yung iba, ang sabi, hindi nila kilala si Romnick at nakilala lang nila dahil nag-viral ang pakiusap nito.

May nagpayo naman kay Romnick na ‘wag masyadong dibdibin ang election results dahil may mga susunod pang eleksyon.

Julia at Nanay ni Gerald, nag-bonding na naman

May nakita uli kaming larawan ni Julia Barretto kasama ang mom ni Gerald Anderson at may caption na “Surrounded by beautiful women.” Nakangiti ang mom ni Gerald sa litrato na pareho sila ni Julia na yakap ng aktor.

Hindi na siguro sasabihin ng bashers nina Julia at Gerald na hindi tanggap ng mom ni Gerald si Julia dahil nakasimangot si Mommy Vangie. ‘Yun ang mga nabasa naming comments sa photos nang unang magkita ang future magbiyenan dahil lang hindi all out ang smile ng mom ni Gerald.

Dito sa bagong litrato, naka-smile ang tatlo, pero may suot na sunglasses ang mom ni Gerald na sana, hindi gawing isyu. Sabagay, kapag si Gerald ang kasama ang pamilya ni Julia, walang nagiging isyu, pero kapag si Julia ang kasama ng mom ni Gerald, may isyu at may nasasabi ang mga Marites.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with