^

Pang Movies

Rayver, proud sa pagmamahal kay Julie Anne

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rayver, proud sa pagmamahal kay Julie Anne

Cute naman ‘yung pag-amin ni Rayver Cruz na type niya si Julie Anne San Jose. Kilig ako kung ako si Julie Anne dahil imagine mo shoutout sa buong mundo ng isang pogi at mabait na Rayver Cruz na love niya ako.

Bonggang proposal, ‘di ba! Para bang mahal kita, gusto ko buong mundo alam iyon, no secret, dapat open sa lahat.

Bongga si Rayver ha, very showy sa feelings niya. Parang patunay kay Julie Ann na tanging siya lang ang nag-iisa sa puso niya.

Bagay silang dalawa, at dahil sa madalas nilang magkasama, puwede ngang ma -develop ang feelings nila with each other.

Good catch pareho dahil both young, good-looking, talented at parehong walang sabit kaya puwedeng-puwede. Sana nga, silang dalawa na.

Mga anghel sa lupa, gabay sa buhay

Hindi lang sa langit may angels, Salve. Mas importante ang angels natin sa lupa dahil sila ang guide natin sa ating buhay. Sabi nga napakasuwerte mo ‘pag napalibutan ka ng mga mabubuting tao who will guide you in your life.

Kung siguro hindi sa angels ko rito sa mundo baka hindi ako umabot ng 75 years old at naging Lolit Solis.

Si Douglas Quijano ang isa sa naging angel ko, si Andrew Go na uncle nina Papa Miguel at Mayor Joy Belmonte kung ‘di ako binigyan ng break sa pagsusulat baka hindi ako naging writer.

Si Mother Lily Monteverde na naging spoiled member ako ng Regal dahil sa kanya, Doc Jose Perez ng Sampaguita na talagang kahit gatecrasher ako noon pinapayagan ako sa presscon.

Ang dami kong angels na talagang naging daan para makaakyat ako. Ang nagbigay ng chance para maging manager ako ng artista ang father ni Gabby Concepcion na si Rolly. Noon lagi lang ina-assign ni Mother Lily ang bawat writer na maging handler ng isa niyang artista, pero hindi full pledged manager, si Daddy Rolly Concepcion ang nagbigay ng authority sa akin na lahat ng negotiation ako ang bahala.

Doon naging bongga ang pagiging manager ko dahil naging sikat si Gabby  at parang nagkaroon pa kami competition ni Dougla dahil hawak niya si William Martinez.

Iyan, Salve at Gorgy, ang sinasabi kong angels sa earth, mga dahilan kung bakit nararating natin ang gusto nating puntahan.

 In fairness, kayo rin, Gorgy at Salve, mga angel ko, dahil lagi kayong nasa tabi ko para tumulong ‘pag may kailangan ako.

Keep good company, good people, at magiging madali ang buhay at tagumpay. You can never make it alone, kailangan meron kang kasama, at hanapin mo ang mabuti at mahusay na kasama, para maging winner ka sa buhay.

Happy birthday to me.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with