^

Pang Movies

Pepe at Pilar, nina Korina at Mar, maraming alam na dialect  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Pepe at Pilar, nina Korina at Mar, maraming alam na dialect           

Nakita n’yo ba lately ang kambal nina Korina Sanchez at dating senador na Mar Roxas, na sina Pepe at Pilar?

Lalong naging more good-looking to the max ang dalawa, well, at three years old.

At heto ang higit na ipinagmamalaki tungkol sa kambal. Both Inglesero to the max, plus they know how to speak a number of dialects, too.

Courtesy of Mar.

Unti-unti na rin silang tinuturuan ni Korina ng iba pang language. Para raw kahit saang bansa nila ipadala ni former senator Mar ang dalawa para mag-aral, hindi ang mga ito mahirapan.

Sanya, presidente na?!

To the max din ang suwerte nitong si Sanya Lopez.

This early, may pasabi na raw ang GMA 7, na, if ever, magkaroon ng Part 3 ang ngayo’y Book 2 nang series nila ni Gabby Concepcion, siya pa rin ang leading lady.

Dati, we all know na First Yaya ang title nito, since yaya siya to the kids ng mga anak ni Gabby sa serye, na maagang nawalan ng ina.

Dahil napangasawa siya ni Gabby, na naging president na, kaya naging First Lady siya.

Sa Book 3 kaya, lady president na siya?

Direk Mae, kilig na kilig pa rin sa KathNiel

Kinikilig pala si direk Mae Cruz-Alviar tuwing idinidirek niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa current series na ginagawa ng dalawa, 2 Good 2 Be True.

Bale ba, kung ilang ulit na rin niya ang mga itong nakatrabaho, pero nanatili pa rin ang kilig na kanyang nararamdaman tuwing nakakatrabaho niya ang mga ito.

“Like the two of them,” ani Direk Mae. “Sinasabing I’ve gone through life. And somehow, nakikita ito sa bawat project na ginagawa ko.

“And I’m sure, everybody, mga manonood included, napapansin at napi-feel ito.

“Sana, may improvement at maturity silang nararamdaman.”

Mataas ang expectation…

Marami ang umaasang magiging to the max ang ang trabahong gagawin ni Robin Padilla, now na nakaupo na siya bilang senador.

No need to remind you that he got the most number of votes sa senatoriables in the last election.

Second sa kanya si Loren Legarda, na possible raw maging Senate President.

Third placer si Raffy Tulfo.

As it is, the best na sa akin na ang pinaka-posibleng maging Secretary of Education ay si VP Sara Duterte ni President elect Bongbong Marcos.

vuukle comment

MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with