^

Pang Movies

Martin, inspirasyon si Charlie Chaplin

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Martin, inspirasyon si Charlie Chaplin

Inspirasyon ni Martin Nievera ang kantang Smile ni Charlie Chaplin upang muling gumawa ng bagong kanta, ang Smile Again under Viva.

Nang ihain sa kanya ang kanta ng composer na si Homer Flores, agad niya ito nabigyan ng lyrics at madaling natapos ang kanta. “I’ve always ended an online show (during the pandemic) with the Charlie Chaplin song Smile. A serious song written by a comedian reminding everybody that that there will be happier days to come,” saad ni Martin sa virtual mediacon.

Naging malungkot din ang nangyari kay Martin nung pandemic. Pero nang gumaan na ang restrictions, isa siya sa Pinoy artists na unang nag-concert sa Amerika. “Nakakaiyak lalo na nakita mo ‘yung mga tao sa harap mo at nanood! Touching and heartwarming ‘yung experience kong ‘yon. Magtuluy-tuloy na sana ito,” sey pa ni Martin.

Pero sa panahon ng pandemic, kung saan halos lahat ng tao ay down na down, “I was so positive doing things we took for granted.

“I forgot that God put me on this Earth, not to make money, not to be famous but to be a singer to sing! I realized again my love for singing!” rason ni Martin.

Marco, nagtinda ng BBQ nung pandemya

Nagtinda ng barbeque ang singer na si Marco Sison sa Laguna nu’ng kasagsagang pandemic.

“Ako ‘yung tagahiwa ng baboy, tagatusok sa stick at taga-ihaw. Eh walang gigs, events kaya ‘yun ang ginawa ko bukod sa pag-aasikaso ng anak at pamilya ko!,” saad ni Marco nang humarap sa presscon ng US Tour na Four Kings and A Queen na pagsasamahan nila nina Nonoy Zuñiga, Hajji Alejandro, Rey Valera at Pops Fernandez ng US concert producer na si Pia Legaspi ng Amore Entertainment.

First time ni Pops na makasama ang apat kaya naman handa na siya sa green jokes na pakakawalan nila sa stage!

Sa June 26 ang kick off ng concert at sa Graton Casino sa North California ang unang performance ng limang music icons!

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with