Alden, laging naaalala ang pagkatalo
Ang galing naman ni Alden Richards.
Talagang pinag-aralan niya nang husto ang Start-Up kaya kuhang-kuha niya lahat ng nuances ni Nam Joo-hyuk. Cute ‘yung laging naaalala ni Alden ang pagkabigo niya sa StarStruck. Pero meron palang mas malaking balak sa kanya ang kapalaran, mas malayo ang narating niya kesa ibang winner ng StarStruck.
Kasi nga likas na mabait at talagang mahal niya ang trabaho niya kaya tagumpay si Alden.
Inday Sara, planado na ang gagawin sa edukasyon
Ang galing din ng galaw ng ating Vice President-elect Sara Duterte. Feel mo ang vision niya sa kanyang mga binibigay na plano, pati sa pagiging Secretary of Education. Parang madali siyang lapitan at hindi siya ilang sa tao.
Very friendly ang kilos niya at pagsasalita kaya hindi ka intimidated sa kanya.
Sana nga pareho ang energy level nila ni Bongbong Marcos para sa lahat ng pagbabago na gusto nilang ibigay para sa bayan. Sana nga magtagumpay kung anuman ang vision nila para mas maging maganda ang lahat.
Merong high hope ang lahat para sa bagong leaders, kaya sana huwag silang mabigo.
- Latest