^

Pang Movies

Mag-asawa ‘di pa sumasagot, pero nag-follow back na sa isa’t isa Carla parang si ‘Jodi Sta. Maria’ ang duda kay Tom, sobra ang selos sa isang aktres?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Si Jodi Sta. Maria ang naalala ko sa local adaptation ng Doctor Foster na The Broken Marriage Vow nang may nag-chikang super ang selos diumano si Carla sa aktres na idinidikit ang pangalan sa asawang si Tom Rodriguez.

Diumano ay ibang aktres at hindi si Kelley Day ang pinagbibintangang diumano’y grabeng pinagseselosan ni Carla sa mister kaya nagkaroon sila ng diumano’y temporary separation at ‘di natuloy ang bakasyon sa Amerika (sa pamilya ng actor).

No reaction pa ang mag-asawa na last October lang ikinasal at may formal honeymoon nga sana sa Amerika last December, sa mainit na pinag-uusapang hiwalayan nila, pero nag-follow back na sila sa isa’t isa sa Instagram.

Anyway, masyado raw kasing mabait si Tom sa babae as in super gentleman to the point na hindi ito marunong tumanggi ayon sa usap-usapan.

Kaya may chance na nami-misinterpret diumano ito at baka diumano ang nangyari na sobrang pagiging gentleman ni Tom ay na-misinterpret ng pamilya ng sinasabing idinidikit na aktres sa kanya.

Anyway, intense ang mga eksena ng selosan sa TBMV nina Jodi at Zanjoe Marudo at baka nga ganun ang nangyari sa kanila. Baka lang naman base sa mga umiikot na kuwento.

Sana nga magkaayos sila. Sayang naman kasi.

Karen, dumanas ng ‘tough day’

Binawalan pala si Karen Davila na mag-interview ng mga kandidato sa kanyang vlog.

Yup, bilang anchor siya ng TV Patrol since October at pumalit kay Noli de Castro. “Tama po ito. I am part of a larger news team. Bahagi po ako ng ABS-CBN News. Lahat po ng may kinalaman sa eleksyon ay karapat dapat lumabas lamang sa ABS-CBN o sa ANC,” aniya na umaming dumaan na naman sa ‘tough day’ ang ABS-CBN. Ito ‘yung araw na lumabas ang isyung naibigay na ng NTC ang frequencies na ginagamit ng kanilang network.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with