^

Pang Movies

Rita, napa-react sa interview ni Boy kay VP Leni

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Wala pang pahayag si Boy Abunda sa pagpuna ni Rita Avila sa naging takbo ng interview ni Boy Abunda kay VP Leni Robredo. Controversial ang reaction ni Rita sa rami nang nag-react, Kakampink man o supporters ng ibang presidentiable.

Sabi ni Rita, “Mr. Boy Abunda, I love you but I feel something heavy while you are talking to VP Leni. You keep on cutting her and you act like you are against what she is saying. Mas respectful and decent ka [kila] Sen. Ping and BBM. Sorry friend, I am not the only one who felt this.

“Why?!!! Parang ayw mo na pasagutin. Parang ayaw mo siya mag-expound. Ang sad Boy. Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo.”

Umani ng iba’t ibang reaction ang pahayag na ito ni Rita at inakusahan pa siyang tinawag na “bastos” si Boy na agad nitong nilinaw. Hindi siya kundi isang supporter ni VP Leni ang tumawag ng ganu’n kay Boy.

Nakikipagbardagulan si Rita sa haters at bashers ni VP Leni, winner daw ang mga sagot nito sa interview ni Boy. Anti-Leni lang ang nagsasabing lihis sa tanong ni Boy kay VP Leni.

Sinasagot ni Rita ang mga nagko-comment and in fairness, tama ang comment ng isang netizen na mabuti pa si Rita at hindi takot ma-bash at nagre-react kung kinakailangan.

Mga marites, may alam sa away nina Tom at Carla

Mabuti pa ang mga Marites, alam na last December 2021 nagsimula ang away nina Tom Rodriguez at Carla Abellana at ang hindi lang nabanggit ng mga Marites ay ang rason nang pinag-awayan ng mag-asawa.

Hindi rin naniniwala ang majority sa mga Marites na si Kelley Day ang rason ng away nina Carla at Tom, bigla na lang daw nasali si Kelly. Hindi naman daw close sina Tom at Kelly sa lock-in taping ng The World Between Us at hindi si Kelley, kundi si Yana Asistio ang gumanap na asawa ni Tom sa series.

May ilang naniniwala sa anggulo ng Kelley-Tom at inakusahan pang third party si Kelley, maninira ng relasyon. Natawa kami sa comment ng isa pa na sinumbatan si Kelley na um-attend pa raw sa kasal nina Tom at Carla.

Alam din ng mga Marites na sinusuyo ni Tom si Carla, pero hindi pa raw ready si Carla na patawarin si Tom. At ang away nila ang rason kung bakit hindi sila natuloy magbakasyon sa Amerika, sa family ni Tom na ang plano pa naman ni Tom, magre-rent sila ng cabin para ma-experience ni Carla ang mamuhay sa cabin ng ilang araw.

Mikael, papalitan si Eugene

Nasulat na namin na mawawala na nga ang Dear Uge ni Eugene Domingo at hanggang January na lang ang airing nito. Pero, hindi pala bagong show ni Uge ang ipapalit ng GMA 7 sa iiwang slot ng Dear Uge dahil ibang Kapuso star ang bibida sa bagong show.

Si Mikael Daez ang magho-host ng bagong show na may pamagat na The Best Ka! featuring Guinness World Records Best of the Best. Sa February na raw magsisimula ang show ni Mikael at ibig sabihin, malapit na siyang mag-taping o baka nakapag-taping na.

Tanong ng Kapuso viewers kung ang ibig sabihin nito ay hindi na matutuloy ang Sing for Hearts na dapat ay sina Mikael at asawang si Megan Young ang hosts? 

Sanggre, itutuloy 

This year din pala gagawin ng GMA 7 ang Sanggre na spin off ng Encantadia at nag-mee­ting na ang creative na pinangungunahan ni director Mark Reyes.

Sa post ni direk Mark na “And the portal to the world of #encantadia is open once again. Meet the creative team of #Sanggre,” na-excite na ang Encantadiks. Matagal na nilang nire-request na magkaroon ng Season 2 ang Encantadia, kaya lang, iba yata ang magiging story nito, focus sa anak ni Danaya na ginanapan ni Sanya Lopez sa 2016 version ng telefantasya.

vuukle comment

RITA AVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with