^

Pang Movies

Boy, pinupuri sa Presidential Interviews

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Boy, pinupuri sa Presidential Interviews

Bongga si Boy Abunda sa kanyang Presidential interviews. Cute ang mga tanong at parang at ease na at ease ang mga tinatanong. Ever since naman mahusay talaga sa interview si Boy kaya nga siya ang King of Talk. Magalang siya sa mga guest niya, at na-research niya talaga ang mga dapat itanong sa kanila.

No wonder comfortable ang lahat ng invited niya. At no wonder open sa invitation niya ang mga guest niya. Palagay ko malakas din ang da­ting ng Boy Abunda interview dahil lahat na-invite niya.

Bongga talaga ngayon ang mga kandidato, lakas ng dating, type silang panoorin ng tao talaga. Sabagay, importante dahil susunod na Pangulo natin ang nakataya kaya excited ang lahat.

Aktor na pinalayas ang kasambahay na may ubo, pinalagan

Grabe naman ‘yung actor na pinalayas ang maid dahil ayaw magpa-antigen test. Inuubo raw ang maid at gusto ng actor magpa-test ito, eh takot sa swabbing ang maid kaya ayaw. Ang ginawa ng actor pinalayas ito.

Bongga siya, ‘di ba dapat dahil nagtratrabaho sa kanya ‘yung maid, ipagamot niya ‘yung ubo. Malay mo simpleng ubo lang iyon. Saka responsibility ng isang boss ang mga tao niya, dapat inaalagaan nila. ‘Yung katulong parte na rin ng pamilya n’yo dahil sa laki ng tulong na nagagawa nila sa bahay n’yo.

Ang hirap makakita ng tao na magiging loyal sa pagtratrabaho sa iyo. Baka nga mas mabuti pang umalis ang maid sa actor, baka mas makakita siya ng mas mabait na boss. At malay mo, baka ‘yung actor ang may COVID nahawa lang ‘yung maid.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with