^

Pang Movies

Kris, itinangging nasa ICU at susunod na kay Pnoy!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Itinanggi ni Kris Aquino na nasa critical condition siya at malamang na sumunod na kay former Pres. Noynoy Aquino.

Ayaw kasing tigilan ng ibang TikTokers si Kris as if alam nila ang totoong kondisyon ng sakit nito.

Pero bumuwelta si Kris, lalaban siya. “It’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that i’m in the ICU and in critical condition. NONE OF THAT IS TRUE.

“ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away.

“Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya josh & bimb still need me.

“To all my REAL friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons and just so much na nahihiya na ko- because they want to make make me feel their love & affection- you have my lifelong loyalty & gratitude,” bahagi ng post niya.

Pero wala na siyang banggit tungkol sa ex na si Mel Sarmiento na ayon sa ilang followers niya, malamang ay hindi na ito maka-shopping at makapunta sa barbero matapos ang mga ibinunyag sa kanya ni Kris na umano’y panggagamit sa namayapa na.

Samantala, awang-awa si Sen. Bong Revilla sa kanyang kumareng Kris.

Maaalalang naging close rin si Sen. Bong kay Kris nang maging sila ni Phillip Salvador. Ayon kay Sen. Bong : “Sa panahong ito na dumaranas tayo ng ating kanya-kanyang pagsubok, napakahalaga po ng pakikipag-kapwa-tao at pagmamalasakit sa isa’t isa. “

“We should not allow negativity to dictate our actions. We must let our compassion and humanity prevail.

“Kaya naman nananawagan po ako sa lahat na ipagdasal po ang kalagayan ng aking kumare na si Kris Aquino, na nagdadaan ngayon sa matinding pagsubok sa kanyang kalusugan - huwag na bilang isang celebrity; o isang political figure; kundi bilang isang kapwa tao na nakikipaglaban sa karamdaman.

“Get well soon Kris. Our prayers are with you.”

Pero si Phillip kaya kinumusta man lang si Kris?

Kim, nagmamakaawang tigilan na sa isyu ng pusang maingay sa bubong!

Sunud-sunod ang tweet ni Kim Chiu kahapon. Ito ay dahil sa mga meme pa rin na nagkalat tungkol sa isang comment niya sa It’s Showtime kung saan nga sinabi niya sa isang portion ng programa tungkol sa tanong na ‘anong mas maingay sa gabi’ : “pusang may kaharutan sa bubong. ‘nakakainis ‘yun noh ‘yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay.”

“Kawawa naman ‘yung pusa,” sabi ni Vhong Navarro.

Sumagot naman si Vice : “Grabe kayo sa pusa. Why do you hates cats?”

Hanggang naging hot item nga ito sa Tiktok at ipinakita ng iba ang RA 8485 - The Animal Welfare Act of 1998.

“I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun.

“But the thing is…… Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin.

Mas gusto ng karamihan palabasin kang super mean, yung diin na diin.. kahit wala ka naman ginawa “pa”. Para kanang ginawa na masama sa mata nila. (Pensive face emoji) that’s the sad part. Pero kung may ginawa kang maganda hindi mashado papansinin. Pag masama.. “happy fiesta!” But oh well. Ganun sa atin eh. But Im asking for…..  I hope I made myself clear. I hope this ends here,” sunud-sunod na paliwanag ni Kimmy.

Tom at Carla, pinagbibintangang hiwalay na agad?!

Grabe naman kung totoong may problema na agad ang marriage nina Tom Rodriguez and Carla Abellana.

Diumano’y may babaeng kasali sa issue.

Hindi ma-social media si Tom at in fact, ang tagal na niyang walang post with Carla sa Instagram account niya.

Si Carla naman ay pulos exercise ang laman ng IG lately at almost a month ang last post niya na ‘vacation time’ with Tom pero disabled ang comment box nito kaya lalong mas marami ang nagduda.

Nag-unfollow na rin sila sa isa’t isa sa Instagram

Pinag-uusapan na diumano ito ayon sa source ng Take It... Per Minute, Me Ganun kahapon na supposedly ay blind item lang ni Mr. Fu pero nahulaan ni Nay Cristy Fermin at pinangalanan ni Nay Lolit Solis kahapon.

Last October lang kinasal sina Tom and Carla at very open si Tom sa pagsasabing hindi na nila ide-delay ang paggawa ng baby after their wedding kaya nakakagulat kung true na nasa krisis na agad ang kanilang pagsasama.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with