^

Pang Movies

Vice, baka matulad kina Nora at Robin kung pumayag kumandidato

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Vice, baka matulad kina Nora at Robin kung pumayag kumandidato

Hindi rin naman totoo ang paniniwala ni Vice Ganda na dahil popular siya puwede na siyang manalo sa eleksyon. Naalala ko nang tumakbo noon sina Nora Aunor at Robin Padilla, pati ang ibang artista na popular din, pero natalo.

Kahit pa nga kasi very popular ang isang artista, hindi ibig sabihin pagkakatiwalaan na siyang humawak ng posisyon ng tao. Puwede na gusto ka lang mapanood sa sine at TV, pero ayaw nilang makita ka sa congress o senate. Kaya ‘yung sinasabi niya na tiyak mananalo siya dahil sa rami ng followers niya, huwag asahan ni Vice Ganda.

Siguro nga tumakbo sina Nora at Robin  that time, iyon din ang nasa isip nila, pero nabigo sila. Saka totoo rin ang sabi ni Vice Ganda, ano ang gagawin niya ‘pag nanalo, mag-comedy act sa congress o senado, siyempre hindi. Kaya tama rin siya na huwag tumakbo, dapat alam natin kung ano lang ang kaya natin sa buhay, at iyon lang ang gawin natin.

Hanga ako kay Vice Ganda, dahil alam niya ang kaya niyang gawin at ‘yung hindi. Suwerte naman ni Ion Perez, nakatagpo siya ng isang Vice Ganda. How to be you talaga!

TIPMMG, nag-comeback na!

Siguro dahil comeback live show natin kahapon, Salve, kaya parang excited tayong lahat. Kasi nga bagong taon, kaya naghahanap tayo ng bagong excitement.

Kaya naman maraming na-research na blind items si Mr. Fu at si Cristy Fermin, naaligaga sa mga bagong balita. As usual ako na lang ang pang-asar na magbubuko ng lahat, hah hah hah. Kaya salamat sa mga nag-watch kahapon at every Tuesday 12 to 1 ng hapon sa YouTube at Facebook ng Pilipino Star NGAYON. Kita-kita po tayo lagi.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with