^

Pang Movies

Aktor, itinatago ang pagiging Duterte!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

May dugong Duterte ang isang guwapong aktor, pero hindi niya ito ipinaaalam kahit noong bagong halal na pangulo si President Rodrigo Duterte. Kami nga, kundi pa namin nabasa ang post ng isang pinsan ng aktor sa mother side, hindi namin malalaman ang tungkol dito.

Hindi kasi ipinagyayabang ng aktor na kamag-anak niya si PRRD, tahimik lang siya. Ang marital grandmother ng aktor ang Duterte na isa ring musician, kaya hindi nakakagulat kung bukod sa pagiging artista ay musikero rin ang aktor.

In fairness sa aktor, wala siguro itong hilig sa pulitika kaya never nabanggit sa mga interview na kamag-anak niya si PRRD. Sabi pa nga nito sa isang interview, ayaw niyang makialam sa pulitika, maliban siguro sa pagboto niya tuwing election.

Curious tuloy kami kung ibinoto ba ng aktor si PRRD noong 2016 at kung iboboto niya si Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbong vice president sa darating na election.

Sen. Bong, naniniwalang magiging superstar si Rabiya

Interpol agent ang role ni Rabiya Mateo sa Season 2 ng Agimat ng Agila at maraming action scenes na ginawa at gagawin pa. Nag-enroll siya ng boxing kay Erwin Tagle at nag-target shooting pa bilang paghahanda at sa video, makikita ang kanyang mga galaw na hinangaan pati ng mga taga-showbiz.

Kahit si Sen. Bong Revilla, naniniwalang she has what it takes to be an action star na lumalabas na pangarap pala nito. Dagdag pa ni Bong, hindi rin malayong maging superstar si Rabiya dahil magaling umarte kahit hindi pa nagwu-workshop at mahusay sa action scenes.

Tinanong kung anong scene ang nahirapan siya?

“Sa first action scene ako nahirapan dahil natatamaan ko ang stuntman, pero naintindihan naman nila. Sana in the future, marami pa akong action scenes na gawin,” sagot ni Rabiya.

Natanong si Bong kung may chemistry sila ni Rabiya at ang sagot nito, ang viewers ang makakapagsabi kapag napanood na ang Season 2 ng Agimat ng Agila  na sa Saturday na, Jan. 29, 7:15 p.m., ang premiere.

Bernadette, emosyonal nang makita sa TV5 ang mga taga-ABS

Naging emotional si Bernadette Sembrano nang minsang madalaw sa TV5 para interbyuhin si Alex Gonzaga na isa sa mga host ng Lunch Out Loud para sa kanyang vlog. Kaya naging emotional si Bernadette at naiyak pa dahil nakitang halos lahat ng production staff ng LOL ay dati at galing sa ABS-CBN. “So, naging emotional ako kasi especially when I think about what we went through. Kasi ngayon ‘pag iikot kayo sa ABS-CBN, mukha na kaming ghost town. Tapos makita mo lahat ng tao nandito na sa TV5.”

Bukod kay Alex, nakita rin ni Bernadette sa set ng LOL sina Billy Crawford, Wacky Kiray at Bayani Agbayani.

Lagi na lang... Rocco, pinalitan si EA

Kasama na si Rocco Nacino sa cast ng First Lady at gaganap sa role ni Mayor Valentin. Siya ang pumalit kay EA Guzman na una yatang nag-commit sa Widow’s Web. Parehong sa February ang airing ng dalawang teleserye na parehong pang primetime ang slot sa GMA 7.

Nag-react ang fans ni Rocco dahil lagi na lang daw kapalit si Rocco at nangyari ito sa To Have and To Hold bilang kapalit ni Derek Ramsay. Sa Owe My Love, wala namang pinalitan si Rocco, nag-guest siya sa rom-com series na isa sa mga bida ay ang ex niyang si Lovi Poe.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with